top of page

Ayuda sa ECQ, i-house to house ; Oras at petsa, ianunsiyo sa socmed

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2021
  • 2 min read

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | August 04, 2021



Ilang araw na lang magsisimula na ang hard lockdown o ECQ sa National Capital Region (NCR) dahil sa banta ng Delta variant. Tulad noon, tiniyak ng ating pamahalaan na may kaakibat itong ayuda sa ating mga kababayan.


‘Ika nga ng Malacañang, walang ECQ kung walang ayuda, at sinigurong gagawan ng paraan na maibigay ang kakailanganing pondo para rito.


Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tig-P1-K ayuda kada indibidwal hanggang P4,000 kada pamilyang kabilang sa low-income group. Saklaw nito ang nasa 10.8 million katao sa NCR na 80% ng 13 milyon na populasyon sa Metro Manila.


Pero, sumasagi sa isip natin kapag may ayuda, eh, ‘yung mga nagdaang kapalpakan sa distribusyon nito. Sana ay hindi na maulit, tulad ng pagka-delay, reklamong hindi nakarating ang pera, may mga nabigyan na hindi naman karapat-dapat, etsetera, etsetera na talaga namang nakakaloka!


Eh, ‘di ba nga dahil sa mga ayudang ‘yan, tila nawalan ng kumpiyansa ang ilan nating kababayan sa ilang ahensiya ng pamahalaan? And hoping this time, plis lang, ang mga pagkakamali noon ay ‘wag na sanang uulitin pa. Sa tingin natin, keri ito ng ating mga opisyal.


Kailangan lang ng maayos na paraan sa pamamahagi ng mga LGU ng nasabing mga ayuda sa mahihirap nating mga kababayan.


IMEEsolusyon dito, sa halip na papilahin pa, i-house to house na lang kada-barangay. Sa paraang ito, maiiwasang magkahawahan ng virus.


IMEEsolusyon din na i-post sa Facebook at iba pang socmed platform ang listahan ng mga nabigyan na para sa transparency.


IMEEsolusyon din na maglagay ng isang space kung saan puwedeng magbigay ng comment ang mga pamilyang hindi pa nakatatanggap.


IMEEsolusyon din na ilista daily sa FB ang mga pamilyang hahatiran ng mga ayuda, ano’ng petsa at oras para mapabilis ang pamamahagi at naka-ready na ang bawat pamilya sa kanilang mga gate.


Maging maayos lang ang sistema, makararating nang maayos ang mga ayuda on time na walang hassle, ‘di ba?

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page