top of page
Search

Ayuda pinai-stop ng Makabayan bloc, parang sinabihan mga maralita after election na bumili ng pagkain

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 18, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

HINDI KATANGGAP-TANGGAP SA MGA MARALITA ANG PANAWAGAN NG MAKABAYAN BLOC NA ITIGIL PANSAMANTALA ANG PAGBIBIGAY NG AYUDA -- Hindi katanggap-tanggap sa mga maralitang Pinoy ang panawagan ng Makabayan bloc sa Comelec na ipatigil muna ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga mahihirap na kababayan para raw hindi ito magamit bilang vote buying ngayong panahon ng halalan, at saka na lang daw ito (ayuda) ibalik pagkatapos ng eleksyon.


Mali ang panawagang ito ng Makabayan bloc kasi malaking tulong ang ayuda lalo na sa mahihirap na nakakaranas ng gutom.


Kumbaga, parang sinabihan na rin ng Makabayan bloc ang mga maralitang Pinoy na after election na sila bumili ng kanilang makakain, boom!


XXX


EX-P-DUTERTE BAKA MATULAD KAY VP SARA, MAKASUHAN DIN NG SEDITION AT GRAVE THREATS -- Sineryoso ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang naging statement ni ex-P-Duterte sa proclamation rally ng PDP na para raw manalo lahat ang kanyang mga kandidato ay dapat daw pumatay sila ng 15 senador.


Ang sinabing ito ni ex-P-Duterte ay joke lang, pero para kay Cong. Adiong ay hindi dapat ginagawang biro ang pagpatay ng tao, at dahil diyan ay nanawagan siya sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan sa isyung ito ang dating presidente.


Sakaling makita ng NBI na may paglabag dito si ex-P-Duterte, malamang tulad ng kanyang anak na si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ay sampahan din siya ng Dept. of Justice (DOJ) ng kasong sedition at grave threats, period!


XXX


KAPAG KINATIGAN NG SC ANG HIRIT NI ATTY. GENERILLO, BAKA BAGO ANG SONA NI PBBM, TALSIK NA SA PUWESTO SI VP SARA -- Hiniling ni Atty. Catalino Generillo, dating abogado ng Presidential Commission on Good Gov’t. (PCGG) na atasan ang Senado na itatag na ang impeachment court para ma-impeach na si VP Sara at hindi dapat na hintayin pang matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa July 2025 bago dinggin ang mga impeachment case ng bise presidente.


Naku, sakaling katigan ng SC ang hirit ni Atty. Generillo ay malamang bago ang SONA ni PBBM ay baka mapatalsik na sa puwesto, hindi na VP si Sara Duterte, abangan!


XXX


MGA KUMPISKADONG SPORTS AT LUXURY CARS IBENTA, HUWAG WASAKIN --

Nakakumpiska ang Customs ng mga smuggled sports at luxury cars sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.


Sana, huwag wasakin ay ipasagasa sa pison ang mga sasakyang ‘yan, sana ibenta na lang iyan ng Customs para ang daan-daang milyong pisong mapagbentahan ay mapakinabangan pa ng pamahalaan.


Noon kasing panahon na si ex-P-Duterte pa ang lider ng bansa, ‘yung mga appointee niya sa Customs ubod nang eepal, mga pabida, imbes ibenta, winawasak ang mga kumpiskadong sports at luxury cars, tsk!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page