ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | january 4, 2024
Nagsimula nang tumanggap ng ayuda ang ating mga rice farmers mula sa labis na tariff collection, ayon sa Department of Agriculture.
Nasa 2.38 million magsasaka ang nakatakdang tumanggap ng P12 billion mula sa excess tariff collection mula sa rice importation sa taong 2022.
Alinsunod ito sa Republic Act (RA) No. 11598 o Cash Assistance to Filipino Farmers Act of 2021, na nagtatakda ng unconditional cash grant para sa magsasakang may 2 hectares pababa ng lupa.
☻☻☻
Ayon sa Rice Industry Development ng DA, as of December 28, nasa 458,435 magsasaka ang nakatanggap na ng ayuda sa kanilang mga account.
Samantala, 44,719 magsasaka ang nag-withdraw ng kanilang ayuda sa tulong ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Universal Storefront Services Corp.
(USSC), isang Bangko Sentral ng Pilipinas-licensed e-money issuer.
☻☻☻
Umaasa tayo na sa lalong madaling panahon ay matanggap na ng iba pang magsasaka ang kanilang ayuda.
Malaki ang maitutulong ng ayudang ito lalo na’t may napipintong tagtuyot ngayong taon dala ng El Niño.
Nawa’y madaliin din natin ang pag-implementa ng iba pang hakbang upang maibsan ang epekto ng tagtuyot.
☻☻☻
Ito ang isa sa mga hamon na hinaharap natin sa panibagong taon.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments