top of page
Search
BULGAR

Ayuda at pautang sa maliliit na negosyo, oks na

ni Mylene Alfonso @Business News | July 19, 2023




Sisikapin umano na matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) na lumago upang makalikha ng mapapasukang trabaho at oportunidad na pagkakakitaan ng publiko.


Ginawa ni Speaker Martin Romualdez ang pangako sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng National Food Fair (Philippine Cuisine and Ingredients Show) na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa SM Megamall sa Mandaluyong City.


Aniya, una nang inaprubahan ang ilang panukala at mayroon pang mga aaprubahan upang matulungan ang mga maliliit na negosyo gaya ng Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act at House Bill No. 1171 o ang One Town, One Product Act (OTOP).


Ito umano ay nakahanay sa polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Idinagdag nito na naglaan ang Pangulo ng P1.2 bilyon sa ilalim ng 2023 national budget upang suportahan ang mga programa para sa MSME.


Ang GUIDE Act, na isa si Romualdez sa pangunahing may-akda ay nag-oobliga sa mga government financial institution gaya ng Land Bank of the Philippines at Development

Bank of the Philippines (DBP) na maglaan ng pondong ipapautang sa mga maliliit na negosyo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page