top of page
Search
BULGAR

Ayos na ayos, besh!... Lettuce, pampaganda ng balat, pampalakas pa ng puso at buto

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 28, 2020




Ang lettuce.


Nakamamangha ang lettuce dahil ang maraming gulay ay kailangan pang lutuin bago makain, pero ang lettuce, hindi na kailangang lutuin dahil ito ay kinakain nang hilaw. At ang lettuce ay natatanging halamang gulay na crunchy. Ibig sabihin, kapag nginuya ay may kakaibang tunog na kung ikukumpara sa iba pang kinakagat na pagkain, ang lettuce ay crispy. Kaya mas mapaparami ang lettuce na makakain mo dahil habang kinakagat mo ito ay maiintriga ka, kaya kukuha ka ng isa at isa pa muli.


Ang totoo nga, ang lettuce ay ginagawang sangkap sa mga fried meat at masasabing ito ang nagpapaganda sa mga menu, pero ang tunay na nangyayari ay hindi naman na pinapansin ang ibang kasama ng lettuce dahil ito na ang unang kinakain.


Kapag naubos na ang lettuce ay saka pa lang lalantakan ang iba pang kasama sa inihain. Ito ang espesyal sa lettuce na hindi nangyayari sa iba pang halamang gulay.


Hindi lang ‘yan ang espesyal sa lettuce dahil kung ang pag-uusapan ay tungkol sa halamang gamot, makikitang ang lettuce ay espesyal.


Sa tanong na anong gulay ba ang most consumed sa buong mundo, walang pagdududang lettuce ang nakakuha ng award.


Ayon sa kasaysayan, ang lettuce ay kinakain na ng mga tao noon pang 2080 B.C. Ang unang nahumaling sa lettuce ay ang mga taga-Egypt dahil bukod sa masarap na dahon, ang oil mula sa buto ng lettuce ay mahalaga para sa kanila. Ayon sa mga taga-Egypt, hindi lang gamot sa sakit sa balat ang langis mula sa buto kundi ito rin ay nagpapabata, hindi lang sa paningin kundi talagang babata at ayon pa sa ilang tala, hindi tatanda ang tao sa buto ng lettuce.


Kaya isa ang langis ng lettuce sa mga inilalagay sa katawan ng namatay para manatiling maganda at mukhang buhay ang bangkay.


Ang mga dahon ng lettuce ay nakapagpapabata at ngayon, kahit dito sa atin, napakarami na at nadagdagan pa ang bilang ng mga kumakain ng lettuce at halos kinalimutan na ang pagkain ng kanin.


At kapag tinitingnan mo sila, makikita mo na mas bata at maganda sila kaysa noong hindi pa nila kinakain ang lettuce.


Ayon sa kanila, hindi naman sila bumata sa lettuce kundi ang mga karamdaman o sakit ay bihirang dumapo sa kanila. Gayundin, ayon sa marami, ligtas sa sakit ang mga kumakain ng lettuce.


● Tumutulong para gumaan ang timbang, kaya ang lettuce ay paborito ng mga nagda-diet at nagpapa-sexy.

● Nilalabanan ang inflammation.

● Nagpapalakas ng utak, kaya mas tumatalino ang kumakain ng lettuce.

● Pinalalakas ang puso o heart.

● Panlaban sa cancer cells.

● Nakatutulong sa mga may diabetes.

● Nagpapalinaw ng mga mata.

● Nagpapaganda ng panunaw.

● Gamot sa insomia.

● Nagpapalakas ng mga buto.

● Nagpapalakas din ng immune system.

● Nagpapaganda ang muscles.

● Nagbibigay ng maganda at makinis na kutis.

● Nagbibigay ng lakas sa mga hibla ng buhok.

● Panlaban sa anemia.

Kaya bakit hindi mo piliin ang lettuce? Huwag ka nang maghanap pa ng ibang halamang gulay. Kumain ka ng lettuce araw-araw at ikaw mimso ang magsasabi na lumakas ka, gumanda ang iyong kalusugan at ikaw ay gumanda at bumata pa.

Good luck!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page