ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 12, 2020
Ang pechay.
Sa panahon ngayon na ang COVID-19 ay patuloy na nasa sa ating paligid, napakaraming ipinapayo na iba’t ibang paraan, gamot, lunas at kung anu-ano pa na sa huli ay
mabilis na kinokontra ng Department of Health (DOH).
Pero ayon sa DOH, ang the best na dapat gawin ng tao ay palakasin ang immune system nang malabanan ang COVID-19. Sa ganitong payo, nagkakaisa ang lahat at walang mas gaganda pa kundi ang magkaroon ng malakas na immune system.
May isang gulay at ang kanyang pangalan ay pechay, na kapag kinain nang madalas, sure na sure na lalakas ang immune system.
Ang maganda rito, kada pamilihan tulad ng palengke o supermarket at kung saan may ibinebentang mga gulay ay tiyak na may pechay. Kumbaga, kahit anong oras mo kailangan, hindi ka mahihirapang bumili nito. Hindi tulad ng ibang gulay o halamang gamot na napakahirap hanapin at bihira makita sa mga tindahan at ang iba pa nga ay maghihintay ka pa ng panahon dahil may mga halamang tinatawag na “seasonal”.
Mayaman ang pechay sa Vitamin A at nakagugulat dahil 72% ng recommended daily intake (RDI) ng bitaminang ito ay makukuha sa pagkain ng pechay.
Ayon sa pag-aaral ng Linus Pauling Micronutrient Information Center at Oregon State University, ang Vitamin A sa pechay ay nagpoprotekta at sumusuporta sa epithelial cells na mahalaga sa immune system defenses.
Dagdag pa nila, ang Vitamin A sa pechay ay mahalaga sa eyesight at kapag kulang sa nasabing bitamina, maaaring magkaroon ng “night blindness” kung saan ang mga mata ay hirap makakita kapag madilim o low light.
Mayaman din ang pechay sa isang pang bitamina na kilalang-kilala na nagpapalakas ng immune system at ito ay ang Vitamin C.
Ayon sa National Center for Complementary and Alternative Medicine, USA ang Vitamin C sa pechay ay mahalaga sa synthesis ng collagen, ang “major building block” ng connective tissue. Gayundin, ang Vitamin C ay mabisang antioxidant na magpoprotekta sa katawan mula sa masasamang epekto ng oxidative stress.
Ang pechay ay nagtataglay din ng folate na isang klase ng Vitamin B complex, ayon sa Office of Dietary Supplements sa National Institutes of Health, USA. Ito ay critical sa development and maintenance ng mga cells. Kada 3 oz. serving ng pechay, may 10% average ng daily value ng folate. Kung walang sapat na folate consumption bago ang conception, maaaring magkaroon ng birth defect ang batang ipinagbubuntis tulad ng problema sa utak at spine. Gayundin, maaaring maging sanhi ng gastrointestinal symptoms, sakit sa ulo, sore tounge, behavioral disturbances at banta ng heart disease ang folate deficiencies.
Ang mga nasa itaas ay lumabas sa scientific na pag-aaral sa pechay. Kumbaga, ang sinasabing kailangan ng pechay bilang halamang gamot ay hindi nakabase sa haka-haka.
Mayroon din ng mga sumusunod na sustansiya ang pechay:
Calcium para sa malakas na mga buto.
Phosphorus para sa bone formation, digestion, excretion at hormonal balance.
Potassium para sa muscle control, blood pressure regulation at hypertension prevention.
Iron na nakatutulong para madala ang oxygen sa dugo.
Magnesium para sa detoxification ng katawan.
Zinc para ma-improve ang immune system laban sa impeksiyon at cancer
Thiamin, Vitamin B-6 at folate para sa mas magandang function ng puso, muscles at nervous system.
Sa kasalukuyan, sinusuri pa itong mabuti. Bagama’t sa mga unang pag-aaral, ang pechay ay kinakitaan ng kakayahang labanan at tuluyang gamutin ang breast at ovarian cancer.
Muli, hindi mahirap makahanap ng pechay kaya bakit hindi mo magagawang kumain nito araw-araw? Mas magandang mas malakas ang immune system natin dahil ito ang tunay na panlaban hindi lang sa COVID-19 kundi sa lahat ng karamdamang puwedeng dumapo sa atin.
Good luck!
Comments