top of page
Search
BULGAR

Ayon sa Marcos gov't.. Taas-presyo, bumagal

ni Mylene Alfonso @News | August 5, 2023




Muling bumagal ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Hulyo 2023.


Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Philippine Statistics Authority Undersecretary Claire Dennis Mapa, naitala sa 4.7% ang inflation rate nitong Hulyo na mas mababa sa naitalang 5.4% noong Hunyo 2023 at 6.4% noong Hulyo 2022.


Ang average inflation naman mula Enero hanggang Hulyo ay nasa antas na 6.8%.


Kabilang sa mga nag-ambag sa pagbagal ng inlfation ay ang mababang singil sa kuryente, renta sa bahay, mababang presyo ng LPG, gayundin ang pagkain gaya ng manok, tilapia at puting asukal.


Sa transportasyon naman, isa sa nagpabagal sa inflation ay ang mababang pasahe sa jeepney, pamasahe sa eroplano at pamahase sa bus.


Samantala, pagdating sa overall inflation nitong Hunyo, ang pangunahing nag-ambag ay ang food and non-alcoholic beverages kabilang ang pagbaba ng presyo ng bigas, sibuyas at itlog.



Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page