top of page
Search
BULGAR

Ayon sa Astro-Numerology… Mr. Scorpio, dapat piliin para sure na lumigaya

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Oct. 7, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Dalawa ang boyfriend ko ngayon. Maestro, sino sa dalawa kong boyfriend ang makakatuluyan ko? Tawagin na lang natin sa pangalang “James” ‘yung una kong boyfriend, isinilang siya noong February 12, 1997, habang ‘yung pangalawa naman ay tawagin na lamang nating si “Ian”, na isinilang noong November 16, 1998. Sino ba ang ka-compatible ko sa kanilang dalawa? Ang birthday ko ay July 1, 1998.

  2. Ayon sa aking palad at birthday, sino sa dalawang boyfriend ko ang makakatuluyan, at mapapangasawa ko?  

 

KASAGUTAN

  1. Ayon sa Astro-Numerology, tunay ngang ang zodiac sign mong Cancer, at birth date na 1 ay nagsasabing higit mong ka-compatible si Ian na isinilang sa zodiac sign na Scorpio, at may birthday na November 16, 1998, kung ikukumpara kay James, na may zodiac sign na Aquarius, at may birthday na February 12, 1997.

  2. Nangyaring ganu’n, dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay, at ito ay ang elementong tubig o water. Habang ang birth date mo namang 1 na isang strong number ay tugma at compatible rin ipareha sa birth date na weak number ni Ian na 16, o (ang 16 ay 1+6=7). Ibig sabihin, kung Astro-Numerology lang tatanungin, si Ian ang dapat mong piliin, na pinatunayan pa ng ikalawang mas mahaba, makapal, at malinaw mong Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung ikukumpara sa naunang mas maikli at hindi masyadong malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang kung sino ang ikalawang lalaking dumating sa buhay mo, ‘yun ang lalaking magseseryoso sa iyo at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya. 


DAPAT GAWIN

Kaya ayon sa iyong mga datos, Daisy, tiyak na ang magaganap, kung sakaling kailanganin mong mamili, piliin mo si Ian upang mapangasawa at makasama mo sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2026, sa buwan ng Mayo, at sa edad mong 28 pataas.






0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page