top of page
Search
  • BULGAR

Ayo, bumida sa CamSur vs. Bulacan sa NBL Cup

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 23, 2023




Mga laro ngayon - Fuerte Sports Complex

3:30 p.m. Taguig vs. Bulacan

5:30 p.m. CamSur vs. Santa Rosa

Bumida sa 4th quarter si guwardiya Joshua Ayo upang hatakin ang kanyang CamSur Express sa 88-85 tagumpay sa bisita DF Bulacan Stars sa tampok na laro ng 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President's Cup Biyernes ng gabi sa punong Fuerte Sports Complex sa Pili, Camarines Sur. Sa unang laro, umakyat sa 4-0 ang Taguig Generals at pinaamo ang Santa Rosa Lions, 102-84.

Pumukol ng tatlong three-points si Ayo at ang huli ay nagbigay ng 84-83 lamang na may 35 segundo sa orasan. Sinundan niya ito ng agaw at itinakbo ang bola para lalong lumayo ang Express, 86-83, at 29 segundo ang nalalabi.

Ipinasok ni Joseph Celso ang huling buslo ng Bulacan upang magbanta, 85-86, subalit sinagot ito ng dalawang free throw ni Verman Magpantay, 88-85, at limang segundo na lang. May pagkakataon ang Bulacan pero nagmintis ang tres ni Benedict Benedictos sabay ng huling busina.


Best Player si Ayo na ginawa ang 11 ng kanyang 13 puntos sa huling quarter. Nanguna si Magpantay na may 15 puntos habang 13 puntos din si Arnaldo Magalong.


Gumana ang laro ni Mike Jefferson Sampurna para sa 15 puntos sa 4th quarter upang mapigil ng Generals ang mga tangkang bumalik ng Lions sa pangunguna ni Shinichi Manacsa. Nagtapos na may kabuuang 21 puntos si Best Player Sampurna upang tapusin ang sinimulan ni Mark Edison Ordonez na nagbagsak ng 27 puntos.


Magpapalitan ng kalaro ang apat na koponan ngayong Linggo at haharapin ng Express ang Lions simula 5:30 ng hapon. Bubuksan ang araw ng Generals kontra Stars sa 3:30 ng hapon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page