top of page
Search
  • BULGAR

Ayaw tantanan sa EDSA bus lane… GOMA, ‘DI IDINE-DELETE ANG PAMBA-BASH SA KANYA

ni Nitz Miralles @Bida  | September 2, 2024



Showbiz News

Wala pang nagre-react, pero totoong may comment si Leyte 4th District Representative Richard “Goma” Gomez sa pagbangga ng Chinese Coast Guard vessel sa Philippine Coast Guard ship na BRP Teresa Magbanua.


Ipinost ni Goma ang reels ng pagbangga ng Chinese Coast Guard sa BRP Teresa Magbanua at comment nito, “Eto ang ungas, walang traffic pero nambabangga. Wala bang bus lane? Hahahahaha!”



Tiyak na may mati-trigger na naman sa post/comment na ito ni Goma, kaya lang, hindi pa tapos ang netizens sa pagko-comment tungkol sa suggestion ni Goma para ma-ease ang traffic sa EDSA.


In fairness, hindi idine-delete ni Goma ang hate comments sa kanya sa Instagram (IG) kahit maraming galit at kung anu-anong masasamang salita ang ibinabato sa kanya. Libreng mababasa ng bibisita sa IG niya ang mga comments na karamihan, hindi pa nahihimasmasan sa galit kay Richard Gomez.


 

Ang busy ni Dennis Trillo. Habang umeere pa ang Pulang Araw (PA), gagawin niya ang MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones (GB). 

Magsu-shoot na rin yata siya ng international series niyang Severino dahil sa post ni Dennis na magkakasama sila ng ibang cast gaya nina Meryll Soriano at Dolly de Leon.


May photo rin si Dennis kasama si Director Yam Laranas at ibig kayang sabihin nito, si Yam ang magdidirek ng Severino: The First Serial Killer (STFSK)? 

Naalala namin si Direk Yam sa The Road (TR) na isa sa mga scary local films na nagawa niya, kaya naniniwala kaming magiging the best ang international series na tatampukan ni Dennis.


And speaking of Dennis, nagsimula na niyang ipakita ang pagiging masama ng karakter niyang si Lt. Col. Yuta Saitoh nang patayin sa saksak ang karakter ng kapwa Hapones sa PA dahil lang magkaiba sila ng paniniwala tungkol sa giyera.

Simula sa episode this Monday, lalo pang kaiinisan at baka mamura pa si Dennis dahil simula na ang giyera sa historical series ng GMA-7.


Ang husay pa naman niyang maging kontrabida at hindi iisiping first time niyang gawin ito. May natatakot na nga sa kanya tuwing siya ang nasa eksena dahil alam na may masama siyang gagawin.


May mare-rape pa yata si Dennis, kaya lalong magagalit sa kanya ang mga viewers ng series. Marami pa siyang kasamaang gagawin sa series, kaya ihanda ang inyong mga puso.


Samantala, sinagot ni Dennis ang comment ng isang viewer ng series na, “He really needs to work on his Japanese accent though. So does David Licauco, neither of them sound native.”


Sagot ni Dennis, “Thank you, mag-practice pa kami ni Amigo ko,” na ang tinutukoy ay si David. Sa pangakong ito ni Dennis, siguradong kanyang gagawin.


Napansin lang namin, hindi pa rin naka-move on ang ibang mga netizens sa naging isyu ni Dennis sa ABS-CBN. Ang dami pa ring galit sa kanya at kinokontra kapag may nagko-comment na pinupuri ang pagiging mahusay niyang aktor. 


Siguradong ang mga kumukuwestiyon sa husay at pagiging magaling na aktor ng mister ni Jennylyn Mercado ay hindi pa napapanood si Dennis. Kung napanood man, puro kapintasan nito ang kanilang nakikita.


 

MAY chance encounter si Charo Santos-Concio kina Barbie Forteza at David Licauco sa hindi binanggit na lugar. Dahil nasa Thailand ngayon sina Barbie at David, baka sa airport sila nagkitang tatlo.


Ipinost ni Charo sa kanyang Instagram (IG) ang photo nila nina Barbie at may caption na, “A chance encounter.” 


Ipinost ni Barbie sa IG ang same picture at may caption na “Super nice to see you po, Ma’am. Have a safe trip po.”


Sa caption ni Barbie, mukhang sa airport sila nagkita-kita at maganda ang feedback ng mga netizens dito. Ang cute pa nga ng photo nila dahil naka-abresiyete pa si Charo sa braso ni David.


Nasa Thailand pala sina Barbie at David for a TVC shoot, at sa ilang araw, malalaman natin kung ano’ng produkto ang kinunan ng TVC sa Thailand.


 

NAGPASALAMAT si AJ Raval sa positive comment ng isang netizen sa kanya dahil minsan lang may positive comment sa mga posts niya. 


Sabi ng netizen, by watching AJ sa interbyu sa kanya ni Julius Babao, ramdam niyang mabuting tao si AJ at may mabuting puso.


Hindi man sumagot sa salita si AJ, emoji ng pasasalamat ang ibinalik niya sa nag-comment sa kanya ng papuri at hindi bashing. Pero, may mga galit pa rin kay AJ dahil siya ang love ngayon ni Aljur Abrenica. Mas marunong pa ang mga ito kaysa kina AJ, Aljur, at Kylie Padilla, ang ex ni Aljur na nakapag-move on na.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page