top of page
Search
BULGAR

Ayaw patalbog sa mga Kapuso stars… GOWN NI HEART PARA SA GMA GALA 2024, 5 MONTHS GINAWA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 12, 2024



Showbiz News

Tiyak na marami ang mag-aabang sa isusuot ni Heart Evangelista sa GMA Gala 2024. 


Sa Paris pa nagpatahi si Heart ng kanyang gown na isusuot at 4 to 5 months ito bago natapos. 


Well, sadyang pinaghandaan niya ang kanyang outfit dahil alam niyang ito ang inaabangan sa kanya ng lahat. 


Alam ni Heart na magpapabonggahan sa outfit ang lahat ng Sparkle stars, ganu’n din ang mga hosts ng It’s Showtime.


Bentahe kay Heart Evangelista ang pagiging fashion icon niya, kahit na anong style pa ang kanyang irampa ay lulutang at lulutang pa rin ang kanyang pagiging fashionista. 


Kahit sabihin pang mas sikat si Barbie Forteza sa dyowa niyang si Jak Roberto, hindi naman ito nangangahulugan na siya ang laging nasusunod sa kanilang relasyon. 


 

Kung mas malakas man ang personalidad ni Barbie ay hindi naman sunod-sunuran sa kanya ang nobyong si Jak.


Ayon na rin mismo sa aktres, magaling daw magdala ng relasyon ang aktor at hindi ito nai-insecure sa kanya at wala silang professional rivalry. Very supportive si Jak sa career ni Barbie.


Samantala, almost seven years na ang relasyon nila kaya marami ang nag-aabang kung nalampasan na nila ang seven-year itch na sinasabing crucial na susubok sa tibay ng kanilang relasyon.


So far, nananatiling matatag sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kabila ng mga tukso sa kanilang paligid. May tampuhan man sila paminsan-minsan ay hindi na nila pinaiiral ang kanilang pride. Mas nananaig ang respeto at pagmamahal nila sa isa’t isa.


 

BINATANG-BINATA na si Harvey Bautista at nag-level-up na ang kanyang acting career. 

Bata pa ay nagpakitang-gilas na siya sa Goin’ Bulilit at nagsilbing training niya ang ilang taon ng pagiging bahagi niya sa nasabing kiddie show.


Kaya ngayong nagbibinata na siya ay nabigyan ng mas mature role sa mga shows ng Kapamilya Network at tatlo ang shows niya ngayon. 


Sa Pamilya Sagrado ay gumaganap siya bilang si Percy de Leon, sa High Street naman ay siya si Wesley at kasama rin si Harvey sa Zoomers kung saan  ang role niya ay bilang si Jiggs. 


Sa pagganap na ito ni Harvey sa iba’t ibang roles, nasusubok ang kanyang galing sa pag-arte. On his own ay nagsisikap ito na patunayan na isa siyang tunay na alagad ng sining.


Gusto niyang maipagmalaki siya ng kanyang Papa Herbert Bautista.

Sa action-drama gustong luminya ni Harvey Bautista pero off-cam ay may pagka-komedyante siya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page