top of page
Search
  • BULGAR

Ayaw ng traffic… BEA, CHOPPER ANG SERVICE PA-FARM

ni Nitz Miralles @Bida  | June 25, 2024



Showbiz News

Guest sa It’s Showtime (IS) this Tuesday ang cast ng Widows’ War to promote the series. Mamaya malalaman kung kasama ni Carla Abellana si Bea Alonzo na magge-guest sa noontime show ng ABS-CBN, na dating network ng aktres.


Kung kasama nga si Bea na magge-guest sa IS, first time niyang muling mapanood sa show ng ABS-CBN, pero airing sa GMA, her present network. Ngayon din lang muling makakabalik sa ABS-CBN si Bea at tiyak na maraming memories ang papasok sa kanyang isipan kapag nasa loob na siya ng network at studio kung saan ginagawa ang show nina Vice Ganda, Kim Chiu, Karylle, Anne Curtis and company.


Well, siguradong masayang kuwentuhan ang mangyayari sa pagge-guest ni Bea. As for Carla, kundi kami nagkakamali, nag-guest na siya sa IS, kaya kilala na niya ang mga hosts. 


Kasama rin daw sa magge-guest sina Benjamin Alves at Rafael Rosell na dati ring Kapamilya.


And speaking of Bea, bumisita ang aktres sa kanyang Beati Firma Farm sa Zambales sakay ng helicopter. Umiwas si Bea sa trapik at sa mahabang oras ng biyahe kaya nag-helicopter papunta roon at pabalik ng Manila.


 

Nasundan ang unang pagkikita nina Charlie Dizon at ni Mithi, ang anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza. Sa unang pagkikita nina Charlie at Mithi, nakatalikod si Mithi habang karga ni Charlie. Kuwento ng isang fan, nakatulog pala ang bata at kinarga ni Charlie.


Sa second time na pagkikita nina Charlie at Mithi, nakaharap na sa camera ang bata. Karga pa rin siya ni Charlie at may larawan ang dalawa na parang naglalaro habang nakatingin si Carlo. Galing sa fan page ni Charlie na Charlie Cuties ang photos nina Charlie, Mithi at Carlo.


May mga nag-comment na masyado pang bata si Mithi para ipakilala sa kanyang stepmom. Pero kung babalikan ang sinabi minsan ni Trina, papayag siyang ipahiram si Mithi kay Carlo kapag ikinasal na ang aktor para hindi malito si Mithi. 


Sa nakikita ng mga fans, mabait si Charlie at magkasundo sila ni Mithi.

Karamihan sa mga feedback ay masaya na magkasundo sina Carlo at Trina sa co-parenting setup nila at masaya rin sila na magiging malapit si Mithi kay Charlie. 


Ang ibang mga fans na lang ang may isyu at bitter, wala naman silang kinalaman kina Carlo Aquino, Charlie Dizon at Trina Candaza, pati kay Mithi.


 

Direktor, ‘di aktor… 

XIAN, NO SHOW SA PRESSCON NG MOVIE 


Xian Lim

Hindi lang pala magaling na aktres ang young actress na si Althea Ruedas, mahusay din siyang sumagot sa mga tanong ng press sa interview sa kanila ni Cindy Miranda. In fact, hindi siya nagpatalo kay Cindy sa kanyang mga sagot, at sa pagkukuwento ng shooting experience nila ni Cindy sa shooting ng Viva Films horror movie nila na Kuman Thong.


Parang nag-workshop, ayon sa press, ang aktres dahil sa sinabi ni Althea na, “Mahirap ang horror movie, dapat may timing at timing ang main ingredient sa isang horror movie.”

Pati si Cindy, napatingin kay Althea nang marinig ito.


Sa tanong kung paano ang acting technique niya para magampanan nang mahusay ang kanyang role, parang adult actress ang kanyang sagot.


Sey niya, “Binabasa ko ang script and I see to it na hindi lang story ang binabasa ko, buong script ang binabasa ko at pinag-aaralan ko na ang karakter na ginagampanan ko. Binabasa at inaaral ko ang personality ng karakter ko, sa first meeting ko with my director and cast, iniiwan ko na sa bahay si Althea. Pagdating sa set, ako na ang karakter na ipo-portray ko.” 


Parehong pinuri nina Cindy at Althea si Xian Lim, ang director ng Kuman Thong. Gusto nila ang istilo ng pagdidirek ni Xian. Kahit hindi pa siya nakatrabaho ni Cindy, tinanggap agad-agad ng aktres ang project.


Sey ni Cindy, “Very cool s’yang director. Marami tayong naririnig  mga bad issue, but he is okay. He’s very passionate sa pagiging director and open to suggestion ‘pag alam niyang mas ikagaganda sa movie. Never siyang nagalit at never uminit ang ulo. Kaya kahit horror ang ginawa naming movie, masaya kami sa set.” 


Wala sa interview si Xian at may prior commitment daw. Siguro naman sa premiere night ng kanyang idinireheng pelikula, present siya at si Iris Lee. Bukod sa pagiging producer for Viva Films, collab din sina Iris at Xian sa pagre-revise sa script ng Kuman Thong.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page