ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 3, 2025
Photo: Lolit Solis - Instagram
Sa pagtatapos ng taong 2024 ay nagpaalam na ang veteran entertainment columnist and talent manager na si Lolit Solis sa kanyang Instagram (IG) followers.
Sa IG post ni ‘Nay Lolit nu’ng Dec. 31, 2024 ay inanunsiyo niyang hanggang nu’ng araw na lang na ‘yun siya sa nasabing social media (social media) account dahil pagod na raw siya mentally.
Aniya ay gusto na lang niyang i-enjoy ang kanyang semi-retirement sa industriya.
“Salve, nag-decide na ako na talagang hanggang December 31 na lang ang IG ko. Mentally tired na ako talaga at parang ayaw ko na talaga muna sagarin ang utak ko at savor my semi-retired position,” simula ni ‘Nay Lolit.
“No need to prove anything or be transparent on how I feel. Para ngang kung minsan sawsawera pa ang dating ko,” patuloy niya.
Kasunod nito ay nagpasalamat na si ‘Nay Lolit sa mga nagregalo sa kanya ngayong Kapaskuhan.
“Basta I feel completely happy this Christmas. Thank you kay Mama Ten at Alden Richards at lalo na kay Paul Soriano at Toni Gonzaga, I really appreciate their gifts. Sa mga non-showbiz friends natin na sila Bernard, Marivic, Faye at Tet, very grateful for their friendship. It was a very happy life na talagang utang ko sa showbiz.
“‘Yung ibinigay na regalo ni Mama Ten at Alden Richards, ‘yung natanggap ko mula kay Paul Soriano at Toni Gonzaga para bang nag-pull ng string sa puso ko,” sey niya.
Hiling nga niya na kahit wala na siyang IG at mga showbiz columns ay hindi pa rin mawala ang koneksiyon niya sa kanyang mga kaibigan sa industriya. Panahon na rin daw siguro para magretiro siya.
“Siguro naman kahit wala na akong IG at columns, ‘yung koneksiyon ko sa kanila, hindi na mawawala. It’s about time to retire dahil ako na lang sa barkada namin ang natitira.
“I feel empty kung minsan at hindi ko na ma-grasp ang mga nangyayari. Time to stop while still enjoying,” aniya.
Pagtatapos niya, “Goodbye, and Thank you very much for the friendship and patronage, all my LOVE. Babu and bongga.”
Ibinigay ni Dennis Trillo ang kanyang cash prize na natanggap sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal na P100,000 sa mga PDL (persons deprived of liberty) o mga preso.
May papremyo kasing cash ang MMFF sa mga nagwaging Best Actor and Best Actress sa ginanap na Gabi ng Parangal last Friday.
Ayon sa isa sa mga managers ni Dennis na si Jan Enriquez sa kanyang Instagram (IG) post, hindi na raw kinuha ng mag-asawang Dennis at Jennylyn Mercado ang cash prize.
“GOLDEN BEST ACTOR WITH A GOLDEN HEART,” ang titulo ng post ni Jan.
“In case you are wondering, right after Dennis accepted his award ay may lumapit sa ‘kin na staff para i-claim na raw ang napanalunan P100,000 (thousand) courtesy of sponsor Playtime.
“So ako na nag-claim on Dennis’ behalf and inabot sa akin ito in cash (o ‘di ba? Because why not),” kuwento ng manager.
Pero nang iabot daw niya kay Jen ang cash ay hindi nito tinanggap at sinabing i-donate na lang sa mga PDL.
“Iaabot ko na dapat kay Jen, then sabi ni bessie, ‘Bessie, i-donate na lang natin ‘yan sa mga PDL.’
“And agad-agad ko itong inabot kay JC Rubio na siyang may konek sa grupong mga PDL, kung saan hango o inspired ang Tree of Hope. Lingid sa kaalaman n’yo na may totoong Tree of Hope sa isang facility and doon po gagamitin ang P100,000 (thousand) para matupad ang mga munti nilang hiling,” ani Jan.
“Ito rin po ang mga hiling na na-grant noong presscon at beneficiary din ng cash prize ng team Green Bones (GB) sa Family Feud (FF),” patuloy niya.
Kasunod nito ay nagpasalamat si Jan kay Dennis.
“Thanks for your kindness, Dennis! You truly embody our movie’s main message,” ang pasasalamat ni Jan sa kanilang Brightburn Entertainment CEO and president.
Matatandaang si Dennis ang itinanghal na Best Actor sa MMFF Gabi ng Parangal 2024 last December 27 para sa kanyang natatanging pagganap sa GB.
Sa nasabing pelikula ay ginampanan ng aktor ang papel ng isang bilanggong si Domingo Zamora, kaya naman no wonder na napalapit na rin sa puso niya ang mga PDL.
Comments