ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 3, 2024
Kung si Sheryl Cruz ang tatanungin, willing siya na gumawa ng reunion project sa dati niyang ka-love team na si Romnick Sarmenta. Let’s face it, marami pa rin naman silang mga fans na noon pa nagre-request na pagsamahin silang muli sa isang proyekto.
“Ako, ever since before, never kong tinanggihan ang reunion project with Romnick,” sey ni Sheryl nang makatsikahan namin sa grand opening ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery located in SM City, Fairview.
“‘Yung sa ‘kin lang, yes, it’s a matter of his time and it’s in God’s time. Alam ko lahat, excited na magkaroon kami ng reunion. Sino ba’ng hindi, ‘di ba? Pero that would be up to the one up there kung kailan niya kami pagsasamahin sa isang proyekto,” dagdag ng aktres.
Isa si Sheryl sa mga ambassadors ng derm clinic na pag-aari ni Noreen Divina who’s also the owner of Nailandia na ine-endorse naman ni Marian Rivera.
Walang make-up ang aktres nang dumalo sa event pero ang ganda-ganda at napaka-fresh looking pa rin niya. Isa rin si Sheryl sa mga aktres natin na tila hindi tumatanda dahil marunong din naman kasi siyang mag-alaga ng kanyang sarili. Kaya nga perfect din siyang maging ambassador nito.
“I guess, it’s not because I want to be eternally young or youthful. It’s just that first, alam natin na ito talaga ang bread and butter naming mga artista, ‘yung buong package namin.
And at the same time, at my age, I would really love to age gracefully,” sey niya.
“And since you know na I’m still in the process of like you know, not seeking out for another relationship but having more friends and if the event happens that I do have another relationship, ‘di ba, of course, I want that person to feel confident na kasama ako,” dagdag niya.
Speaking of relationship ay natanong nga ang aktres tungkol sa kanyang love life ngayon and she revealed na may 4 suitors siya ngayon pero puro taga-ibang bansa. Ine-entertain naman daw niya ang 4 na ito with the permission of her daughter.
“With the permission of my daughter, I do communicate with them,” aniya.
When asked kung kasama ba rito sa apat ang guy na nakitang kasama niya sa Turkey kamakailan, sey ng aktres, “Hindi ko naman idine-deny.”
Dagdag niya, “But then, you know what? It’s so difficult for me to have another whirlwind romance because I’m not at that age anymore na 20s ako or 25 because you know, ‘pagka ganu’n ka kabata, you have a second chance.”
Sa dami raw ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay ayaw na niya itong pagdaanan pang muli kaya she’s taking her time.
“First of all, they have to be really responsible. I’m not looking for somebody who looks like a model. I want somebody whom I can depend on and somebody I can work in partnership with.
“Because ayoko ‘yung parang nagkakaroon kami ng paligsahan pagdating sa aming mga career. Kasi du’n kami usually hindi nagkakatugma,” sey ni Sheryl.
Anyway, naitanong din sa aktres ang tungkol sa pagkaka-reveal niya sa Fast Talk with Boy Abunda na na-engage sila ni Anjo Yllana noon pero hindi natuloy sa isang kasal dahil may nabuntis itong babae.
“Nagpapakatooo lang naman, ‘di ba? Because naitanong. Hindi naman kasi ako ‘yung tao na parang I would keep it lalo na kung nangyari naman,” paliwanag niya.
Pero friends naman na raw sila ni Anjo ngayon and it’s all in the past na raw.
Comments