top of page
Search
BULGAR

Ayaw na ng iba… “MASAYA NA PO AKO SA RELASYON NAMIN NI SETH" — ANDREA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 28, 2021




ISA sa masusuwerteng artista ngayong pandemic si Andrea Brillantes dahil hindi siya nawawalan ng projects. Walang tigil ang kanyang pagtatrabaho and actually, even before the pandemic ay talagang todo-kayod na rin siya.


Sey nga ng aktres, mas gusto niya ang napapagod kaysa nagpapahinga.

“Kasi siyempre po, as a breadwinner, maraming umaasa sa akin,” ani Blythe (real name ni Andrea) sa grand launch ng Reiko and Kenzen Beautederm Health Boosters na ginanap last Thursday kung saan ay isa siya sa dalawang ambassadors along with Maja Salvador.


“Simula kasi nang 3 yrs. old ako, nangangarap po ako, eh. So, ang dami kong pangarap na hindi ko pa naaabot ngayon at hindi kasi talaga ako marunong mag-give-up. Kahit sobrang bigat na, kahit grabe na ‘yung napagdaraanan ko, kahit gaano kabigat ‘yung ibinabato sa akin ng mundo, hangga’t hindi ko nakukuha ‘yung goal ko at hindi pa talaga ako nakukuntento, hindi po talaga ako titigil.


“Siguro, nu'ng past life ko, fighter talaga ako, kasi, hindi po, eh, I don’t know how to stop. I think, mag-i-stop lang talaga ako 'pag na-reach ko na ‘yung goal ko. Madami pa po,” patuloy niya.


So, wala siyang time sa mga nanliligaw or nagpaparamdam sa kanya?


“Ay, magaling din po akong mag-multi-tasking, charot!” natatawa niyang sabi.


Mayroon naman daw siyang special friend, si Seth Fedelin, ang ka-love team niya.


“Happy na po ako with his company. At kung mayroon man pong manliligaw sa akin, ewan ko, hindi naman po talaga ako lapitin kasi hindi po ako pala-gala, hindi po ako extrovert at maraming mga boys na ang tingin, suplada ako, o kaya, liberating ako. Hindi rin naman po ako naghahanap as of the moment.


“Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon, masaya ako na siya ang katrabaho ko, masaya ako na sinusuportahan niya,” sey ni Andrea.


Samantala, masayang-masaya ang aktres na parte na siya ng Beautederm family.


“Overwhelmed po ako na parte na ako ng kanilang Reiko and Kenzen boosters dahil matutulungan po tayo sa health natin. I am able to take charge of my health confidently as these essential supplements are providing me with the energy and extra protection every day,” she said.


Isinabay ng president at CEO ng Beautederm na si Rei Anicoche Tan ang launching ni Andrea sa kanyang 42nd birthday at sa 12th anniversary celebration ng kumpanya.


“My team and I have been working on these health boosters for over a year now at ang aking plano ay mai-launch ito in time for the 12th anniversary of the company at ng birthday ko na rin.


“Maraming naituro ang pandemic sa atin that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us na mahalaga ang pamilya at dapat nating alagaan ang ating kalusugan,” pahayag ni Miss Rei.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page