LANG NG ABOGADO PARA MAKAGAWA NG BATAS.
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 25, 2021
Pinuputakti na ngayon si Willie Revillame ng media and press na gustong malaman kung tatakbo ba siya o hindi sa Senado sa 2022 elections. As we all know ay nasa senatorial slate ang TV host ni Pres. Rodrigo Duterte kasama ang isa pang taga-showbiz na si Robin Padilla.
Sa latest episode ng Wowowin ay humingi ng dispensa si Willie sa mga gustong mag-interview sa kanya dahil wala pa naman daw siyang sasabihin.
“Wala muna ho akong interview kasi wala pa naman akong desisyon. Magpapa-interview na ako ‘pag may desisyon na. Ayoko muna hong magpa-interview dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan ko pa,” aniya.
Sa October pa naman daw ang filing ng candidacy at may mga hinihintay pa siya bago magdesisyon.
“Hihintayin ko lang po ang aming pag-uusap. Pagkatapos ng pag-uusap, then I will decide and then, I will announce. So, ngayon ho, wala naman akong ia-announce dahil wala naman akong commitment pa,” sey niya.
Pati ang mga iba’t ibang himpilan at networks ay tinatawagan siya for interview pero aniya, sana raw ay maintindihan siya kung hindi muna magpapa-interview.
“Once na lumabas naman ako at nagdesisyon na, open na ako sa lahat,” sambit niya.
Nagbigay din ng mensahe si Willie sa kanyang mga bashers na nagsabing ang iboboto raw nila ay hindi ‘yung nagbibigay ng jacket at hindi nagpapatawa.
“Kung sino ka man, attorney, tingnan mo ‘yung ginawa namin sa ating mga kababayang naghihirap. Tapatan mo ‘yun. 'Pag tinapatan mo ‘yun, bilib ako sa ‘yo,” mensahe ni Willie.
Dagdag pa ng TV host, sa pagtulong daw ay hindi naman kailangang magaling ka or marunong.
“Bawat may mga nangyayaring pagtulong, hindi ka naman kailangang magaling na magaling at marunong, eh. Kumuha ka na lang ng magaling na abogado para ikaw ay makagawa ng magandang batas.
“Ang importante, ‘yung matulungan mo ‘yung naghihirap nating kababayan. ‘Yung kakainin nila sa araw-araw, pambili ng gamot, ‘yan ang dapat. Kaya ka nga ibinoboto, eh, para makatulong ka, eh, 'di ba? Kaya ka nga inilalagay diyan para sa kanila, eh, hindi naman pansarili mo, eh,” ani Willie.
Dagdag pa niyang mensahe, “Wala pa ho akong desisyon kaya huwag n’yo muna akong tirahin. Wala munang tirahan kasi wala pa naman akong desisyon, eh.”
At habang wala pa raw siyang desisyon, tuluy-tuloy pa rin siya sa pagpapasaya at pagtulong sa mga tao sa Wowowin.
“Gusto ko munang mag-Wowowin, gusto ko munang magpasaya, gusto ko munang makatulong sa programang ito hangga’t wala pang desisyon,” pahayag ni Willie.
Komentar