ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 18, 2021
Hindi pa rin pala natuloy ang kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez nu'ng June 12. Kaya pala wala tayong nakitang wedding photos.
Ayon kay Leo Bukas na publicist ni Ara, sa Baguio pa rin ang kasal, pero nakiusap ang aktres na ‘wag banggitin ang petsa ng kasal.
Kasama sa entourage ni Ara ang mga friends niyang sina Sunshine Cruz (future sis-in-law niya), Jessa Zaragoza, Jenny Miller, Samantha Bernardo, Jaycee Parker-Aguas at Melissa Ricks. Isa sa mga bridesmaids si Barbie Imperial.
Kabilang sa mga ninong/ninang sina Vic del Rosario, Dondon Monteverde, Cory Vidanes, Sharon Cuneta at Congw. Vilma Santos.
Sa latest post ni Ara sa Instagram, makikitang nasa yate sila ni Dave at ang caption ay “Take me wherever you want and I will go with you. I’m so ready for our future together @davealmarinez.”
Mas sweet ang caption ni Dave sa parehong larawan na “I can’t change the direction of the wind, but it is our journey that matters in the end.”
Parang may contest ng pagandahan ng caption ang dalawa.
Commentaires