ni Julie Bonifacio @Winner | September 19, 2023
Nakaharap na ni awra briguela kahapon ang nagsampa ng reklamo laban sa kanya na pinangalanan bilang si alyas "Ron".
Ang paghaharap nina Awra at "Ron" ay naganap sa opisina ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Hon. Arvin T. Amata.
Bahagi ito ng pagpapatuloy ng dinidinig na preliminary investigation dahil sa kasong light threats, grave coercion, at paglabag sa Safe Spaces Act na isinampa laban sa alaga ni Unkabogable Vice Ganda.
Noong Lunes kasi ang nakatakdang araw na magsa-submit ang kampo ni Awra ng kanilang sagot sa nauna nang affidavit ng kampo ng nagrereklamo sa batang komedyante.
Hindi raw nagpainterbyu si Awra sa mga taga-media na nandoon. Pero ayon sa abogado ni Awra na si Atty. Nick Nañgit ay pag-aaralan nila ang rejoinder na isinumite nila ng batang komedyante at maghihintay sila ng resolusyon kung aakyat na sa pagdinig sa korte ang kanilang reklamo.
Kung ano raw ang magiging desisyon ng prosecutor ay saka lang sila kikilos sa tatlong kaso na isinampa naman ng kampo ni Awra kontra sa reklamo ni "Ron".
Comments