ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 26, 2020
Para na tayong sirang plaka na paulit-ulit sa panawagang “No To Importation” ng mga produktong hindi naman tayo kapos, tulad ng bigas, isda, manok at baboy!
Calling the attention ng ating mga kasamahan sa gobyerno! Kapag panahon ng anihan ng palay, no more imports please? ‘Kaloka! Paano makarerekober sa pagkalugi ang mga lokal na magsasaka niyan kung papatayin na ng mga imported na produkto ang kanilang mga ani?
Super nakakapikon ang importasyon na ‘yan. Puro na lang angkat nang angkat, hindi napoprotektahan ang ating mga lokal na magsasaka, mangingisda, poultry at hog raisers. Ano bang meron ang imported products na wala sa mga produktong sariling atin? Hay naku!
Unti-unti nating pinapatay ang kabuhayan ng ating mga kababayang farmers, fishermen, poultry at hog raisers, kapag hindi natin nakontrol ang pag-aangkat ng mga agri products. Magko-collapse ang ating economy, juicekolord!
Dagdag pa ang mga letsugas na smuggler ng isda sa mga fishports lalo na sa Navotas kung saan talamak ang puslitan galing sa ibang bansa. Bukod pa sa dati na nating nabanggit na mga importers ng bigas na pugante sa pagbabayad ng tax. Ano ba?
Pero, no worries, mga dear. IMEEsolusyon ang kulitin natin ang Department of Agriculture sa pagrenda sa mga importers at magtakda ng ban sa imported na bigas tuwing harvest time!
IMEEsolusyon din sa smuggler ng mga isda, inaasahan nating pakikinggan ng BFAR ang hirit nating silipin at patigilin ‘yan. Dagdagan natin ng ayudang pinansiyal ang mga fishermen. Isa pa, dapat siguruhin ang “no entry” sa ‘Pinas ng mga imported na karneng baboy na may sakit, ‘di ba?!
Isantabi na ang utak-imported, para makaraos tayong lahat sa kalamidad na dulot ng pandemya sa ating ekonomiya. Believe me, keri natin ‘yan!
Comments