top of page
Search
BULGAR

Awat muna sa gala para iwas-COVID-19

@Editorial | May 11, 2021



Isang resort ang agarang ipinasara matapos kumalat ang video at larawan ng pagdagsa ng mga bata at matatanda sa kabila ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ).


Kasunod nito, pinakakasuhan na rin ang pamunuan ng resort, mga opisyal ng barangay na nakasasakop dito, at ang lahat ng mga nag-swimming, dahil sa paglabag sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at health protocols.


Nakapagtataka kung paano nakapag-operate ang resort at nakapanlulumo naman na tila hindi na naniniwala sa virus ang mga nagsipag-swimming.


Ang problema, dahil sa kanilang kapabayaan at pagiging pasaway, posible pa silang makapandamay.


Kahit magsagawa ng malawakang contact tracing, close monitoring at RT-PCR testing sa mga nagtungo sa resort, gaano tayo kasigurado na walang makakalusot?


Nauunawaan natin ang grabeng init at inip sa sitwasyon natin ngayon pero, hindi naman ito sapat na dahilan para labagin ang mga protocols, dahil hindi lang naman isang tao o pamilya ang malalagay sa alanganin kundi ang marami pa na maaaring mahawahan sakaling may kahit isang positibo na nag-swimming sa lugar.


Hindi ito ang panahon para gumala o mag-party nang malala, halos ngayon pa lang bumababa ang kaso ng COVID-19, baka ilang araw lang, libu-libo na naman ang magkasakit.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page