AVC: Pagsubok sa q'finals haharapin ng HSH at Gazz
- BULGAR
- 4 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 24, 2025
Photo: PLDT High Speed Hitters at Petro Gazz Angels sa AVC - PVL
Mga laro ngayong Huwebes
(Philsports Arena)
4 p.m. – Zhetysu vs PLDT
7 p.m. – Petro Gazz vs. Baic
Haharapin ng kapwa PLDT High Speed Hitters at Petro Gazz Angels ang nakalaang tungkulin na malampasan ang malaking pagsubok na hatid sa quarterfinal round sa magkahiwalay na banatan sa 2025 AVC Women’s Volleyball Champions Cup ngayong araw sa Philsports Arena.
Malalaman kung mananatili o magtatapos ang kampanya ng dalawang Pinoy teams na kakaharapin ang mga top teams ng ibang grupo na magsisimula bandang 4 p.m. sa pagitan ng Pool D 2nd placer High Speed Hitters kontra Pool A top seed Zhetysu VC ng Kazakhstan at ang Pool A 2nd ranked Petro Gazz Angels laban sa Beijing Baic Motor. Nakaantabay ang 2025 All-Filipino Conference titlists Creamline Cool Smashers laban sa Nakhon Ratchasima sa Biyernes.
Bagaman natanggap ng PLDT ang masaklap na five-set pagkatalo laban sa Thai squad, pinatunayan ng High Speed Hitters ang kanilang katatagan sa paghabol sa 0-2 set bago tuluyang matalo sa decider. Tila mas kinakailangan pang maging halos perpektong laro ng PLDT laban sa mas matangkad at disiplinadong depensa ng Zhetysu, na kumana ng straight set laban sa Creamline.
“Same nu'ng bago mag-Thailand. Alam naman namin high level, malakas and all. Pero bilog pa rin naman bola. Tulad ngayon, wala naman nag-expect na makakahabol kami ng dalawa. Pero umabot kami sa dulo,” pahayag ni PLDT coach Rald Ricafort na patuloy na sasandalan si Fil-Canadian Savannah Davison, na ikatlong best scorer ng torneo, katulong sina Cuban import Wilma Salas at Kim Kianna Dy laban kina Karyna Denysova, Valeriya Yakutina at Tatyana Nikitina.
Comentarios