AVC: Angels at CCS kinapos sa Taipower at Kazakhstan
- BULGAR
- 4 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 22, 2025
Photo: Babawi na lamang ang team ni Alyssa Valdez sa AVC Cup nang talunin ng Kazakhstan. (Reymundo Nillama)
Mga Laro Ngayong Martes (Philsports)
10 a.m. – Saipa Tehran vs VTV Binh Dien Long An
1 p.m. – Al Naser Club vs Zhetysu VC
4 p.m. – PLDT vs Nakhon Ratchasima 7 p.m. – Hip Hing vs PetroGazz
Mahigit isang linggo matapos mapagwagian ng Petro Gazz Angels ang kauna-unahang All-Filipino title sa Premier Volleyball League (PVL) tila hindi kasing-taas ng hinahangad na paglipad ang nakamit matapos na isubsob sa four-set loss ng Kaohsiung Taipower mula Chinese-Taipei sa iskor na 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 sa kanilang pambungad na laro sa 2025 AVC Women’s Champions League, kagabi sa Philsports Arena.
Kinapos din ang Creamline Cool Smashers sa sumunod na laro laban sa Zhetysu ng Kazakhstan sa tatlong sunod na sets, 25-16-25-17 at 25-17.
Nahirapang matagpuan ng Angels ang tamang timpla kasama ang import na si Giovanna Milana na lumista ng team-high 18 puntos mula sa 16 atake laban sa mas malakas at batang grupo ng Taiwanese na nakausad sa quarterfinals matapos unang gibain ang reigning Hong Kong Women’s Volleyball League titleholders na Hip Hing nitong Linggo.
Nawala sa kontensiyon ang laro ng Petro Gazz kontra Taipei na sumandal sa matinding opensiba nina outside hitter Hsu Wan-Yun at wing spikeer Tsai Yu-Chun tungo sa 2-0 kartada. Dahil sa panalo ay nakuha ng Kaohsiung ang top seed sa pagpasok sa quarters.
Hindi naman tuluyang nagtatapos ang kampanya ng Petro Gazz na kinakailangang talunin ang Hip Hing. Sakaling magwagi ang Angels ay diretso ito sa quarters bilang second seed sa Pool B.
Maaaring makatapat ng Petro Gazz sa susunod na round sa Pool C ang top squad na kinabibilangan ng Vietnam’s VTV Binh Dien Long An, Saipa Tehran ng Iran at Beijing Baic Motor.
Comments