ni Eli San Miguel @Overseas News | June 8, 2024
![Showbiz Photo](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_4223767ffef0424aaffb6b060ce450ec~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2551ae_4223767ffef0424aaffb6b060ce450ec~mv2.jpg)
Nagpositibo ang isang 2-anyos na batang babae sa H5N1 bird flu at kailangang sumailalim sa pangmatagalang pangangalaga sa ospital sa Australia matapos bumisita sa India, ayon sa World Health Organization (WHO) noong Biyernes.
"This is the first confirmed human infection caused by avian influenza A(H5N1) virus detected and reported by Australia," pahayag ng WHO. "Although the source of exposure to the virus in this case is currently unknown, the exposure likely occurred in India where the girl had travelled, and where this group of viruses has been detected in birds in the past," dagdag pa ng ahensiya.
Naglakbay ang batang babae papuntang Kolkata sa India, mula Pebrero 12 hanggang 29. Noong Marso 1, bumalik siya sa Australia at dinala sa isang ospital sa timog-silangang estado ng Victoria kinabukasan.
Iniulat na nagpositibo ang bata sa influenza A habang nasa ospital, at ipinadala ang mga sample para sa mas malalim na pag-aaral noong Abril.
"Virus genetic sequence obtained from the samples confirmed the subtype A(H5N1)... which circulates in southeast Asia and has been detected in previous human infections and in poultry," anang WHO.
Iniulat na nasa mabuting kalagayan ang bata habang wala namang kamag-anak sa Australia o India ang nagpakita ng mga sintomas. Nag-abiso rin ang mga otoridad sa India at nagsimula sila ng isang epidemiological investigation.
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPTU Machine ETPU Moulding…
EPS Machine EPS Block…
EPS Machine EPS Block…
EPS Machine EPS Block…
AEON MINING AEON MINING
AEON MINING AEON MINING
KSD Miner KSD Miner
KSD Miner KSD Miner
BCH Miner BCH Miner
BCH Miner BCH Miner