top of page
Search

AU Lady Chiefs nakalusot, CSB, mabangis sa NCAA Volley

BULGAR

ni Gerard Arce @Sports | February 23, 2023




Mga laro ngayong Huwebes: (San Andres Sports Complex)

9:00 n.u. – San Sebastian Stags vs Lyceum Pirates (men’s)

12:00 n.t. – San Sebastian Lady Stags vs Lyceum Lady Pirates (women’s)

Naging mahusay sa kanyang plays at services si playmaker Donnalyn Paralejas para ibigay sa dating three-peat champions Arellano University Lady Chiefs ang unbeaten 2-0 marka upang talunin ang San Beda University Lady Spikers sa bisa ng 25-11, 24-26, 25-7, 25-12, Miyerkules ng hapon sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.


Inihahanda ng Lady Chiefs ang koponan upang bawiin ang titulong nabitawan noong isang taon matapos na kapusin sa Finals para maging runner-up kontra defending champions De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers.

Kuminang si Paralejas ng kabuuang 9 na puntos mula sa tatlong atake at mataginting na 6 na aces kabilang ang 15 excellent sets, habang pinagbidahan ni Laika Tudlasan ang opensa ng Lady Chiefs sa 15 puntos, kabilang ang anim na service aces, gayundin sina Pauline De Guzman sa 14pts na bumida sa atake sa siyam at limang blocks, Marianne Padillon sa 13pts, at Dodee Joy Batindaan na may 11pts.

Samantala, ipinaramdam ng De La Salle-College of Saint Benilde ang bangis sa laro higit na sa third set ng walisin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa 25-17, 25-20, 25-8, mula sa mga nagbabagang hambalos ni Jade Gentapa sa ikatlong laro. Manila.

Aminado mang ramdam ang pressure sa kawalan ni last season MVP Francis Mycah Go dulot ng knee injury, patuloy pa rin umanong hinahanap ang mas matinding kombinasyon para sa koponan sa mga darating na laro.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page