top of page
Search
  • BULGAR

Atleta, nega ang image… INEENDORSO NI YULO, IBOBOYKOT

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 5, 2024



Showbiz News

How true kaya ang mga bali-balita ngayon na maraming big-time depositors ang magpu-pullout ng kanilang pera sa bangkong ineendorso ni Carlos Yulo?


Ayon sa kumakalat na balita, milyonaryo raw ang mga nasabing depositors. 

Dahil sa negatibong imahe ngayon ng two-time gold medalist sa Paris Olympics, napagpasyahan umano ng mga big-time depositors na i-pullout ang kanilang pera sa nasabing bangko, ngunit tiyak na hindi ito isasapubliko ng bangko dahil baka magdulot ito ng bank run. 


Sa kabila nito, dahil marami ang nakikisimpatya ngayon sa Yulo family, tiyak na maaapektuhan at mababawasan ang popularidad ni Carlos, lalo pa’t may mga naging pahayag ang mga supporters ng Yulo family na kanila raw ibo-boycott ang anumang produkto na ineendorso ni Caloy.


Mas hanga pa raw sila sa pole vaulter na si EJ Obiena na mabait at marespetong anak. 

At hangga’t hindi nawawala si Chloe San Jose sa buhay ni Carlos Yulo, hindi raw babalik ang paghanga sa kanya ng lahat.


 

HINDI kami naniniwalang si Benjie Paras pa mismo ang maglalaglag sa anak na si Kobe Paras at sa girlfriend nitong si Kyline Alcantara at aaming nagli-live-in na ang dalawa.

May vlogger kasing nagpakalat na sinabi raw ni Benjie na natural lang na mag-live-in na ang dalawa para 'di na mahiwalay sa isa't isa. 


Alam ni Benjie na sikat si Kyline at may magandang career sa GMA-7 at bilang artista rin, alam niyang makakasira sa image ng girlfriend ng anak kapag lumabas na nakikipag-live-in na ito bago pa man ang kasal.


Nag-aalala naman ang mga fans ni Kyline na baka makaapekto raw sa career ng Kapuso actress ang fake news tungkol sa pakikipag-live-in niya kay Kobe. Kaya mas mabuting habang maaga pa, linawin na ito nina Kyline at Kobe.


Anyway, visible naman ngayon si Kyline sa mga provincial tours upang i-promote ang bago niyang seryeng Shining Inheritance (SI) kasama ang magagaling na Kapuso stars. 


Kahit sobrang in love ngayon si Kyline Alcantara kay Kobe Paras, hindi naman siguro niya basta igi-give-up ang kanyang career na matagal niyang pinaghirapan. Mas nagkaroon nga ng init at spark ang career niya nang maging magkarelasyon sila ni Kobe Paras.


 

Kahit break na… 

2 BRANDED BAGS NA REGALO NI XIAN, 'DI IBINALIK NI KIM 


Kim Chiu at Xian

NAPAKA-GENEROUS na nobya ni Kim Chiu. Mahilig siyang magregalo sa kanyang karelasyon kahit walang okasyon, at super-bongga ang kanyang mga gifts sa mga dati niyang nobyo. 


Hanggang ngayon ay naikukuwento pa ni Gerald Anderson ang mga mamahaling regalo ni Kim tulad ng Rolex watch, motorsiklo, golf cart, mamahaling gamit at damit, 65-inch flat TV, cellphone, atbp.. Kulang na lang ay house and lot ang iregalo ni Kim kay Gerald noon.


Kaya marami ang nagsasabing ganoon din siguro ka-generous magregalo si Kim kay Xian Lim na labing-isang taon niyang naging nobyo. 


In fairness, nagregalo rin naman si Xian kay Kim. Alam ni Xian na mahilig si Kim sa branded bags kaya niregaluhan niya ito ng dalawang bags, na hanggang ngayon, nasa collection pa rin ni Kim at hindi niya ibinalik sa dating nobyo nang mag-break sila. 

Ipinakita pa ni Kim ang mga regalong bags nang mag-vlog siya at ipinasilip ang kanyang collection. 


So, sa labing-isang taon pala ng kanilang relasyon, dalawang bags lang ang nairegalo ni Xian Lim kay Kim Chiu? 


 

LAGING sinasabi ng comedy genius na si Michael V. na mahirap na trabaho ang magpatawa. Maraming challenges upang mapatawa ang mga viewers at magustuhan ang mga skits na inihahanda nila sa Bubble Gang (BG). 


Kailangang laging bago at updated sa mga nangyayari sa paligid. Hindi puwedeng mga lumang skits na lang ang ibibigay sa mga manonood. 


Kahit na patuloy na tinatangkilik ang BG nang mahigit na dalawang dekada, hindi dapat maging kampante ang mga bumubuo ng show. Laging naghahanap ang mga viewers ng bago at nakakaaliw na panoorin.


Kaya naman, todo ang effort ni Michael V. sa pag-iisip ng mga gagawin nilang skits. Minsan ay idinadaan ni Bitoy sa parody upang maka-relate ang mga kabataang viewers.


Sa latest na episode ng BG, nag-trending at nag-viral ang ginawang parody ni Michael V. sa sikat na awitin ng girl group na BINI, ang Salamin, Salamin, na binago at ginawang Salarin, Salarin.


Nag-transform sina Michael V, Betong Sumaya, Kokoy de Santos at iba pa bilang ‘BINI B10’. Milyun-milyon ang naging views ng nasabing parody at marami ang natuwa sa nasabing episode ng Bubble Gang.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page