top of page
Search
BULGAR

Ate, isa sa mga Regal Babies… CLAUDINE, KUMANTA KUNG BAKIT NO SHOW SI GRETCHEN SA BUROL NI MOTHER LILY

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 11, 2024


Showbiz News

Tulad ng mga blockbuster movies na ginawa ng Regal Entertainment, blockbuster din ang limang araw ng burol ng well-loved Regal matriarch na si Mother Lily Yu-Monteverde na pumanaw nu'ng Agosto 4, 2024 sa edad na 85 dahil sa cancer.


Fourth and 5th night na ng funeral wake kami nakapunta at inabutan namin nu'ng ika-apat na gabi sina Diamond Star Maricel Soriano, Aga Muhlach, Ricky Davao, Janice de Belen, Patricia Javier, Jane Oineza & RK Bagatsing, Matet de Leon at Tita Annabelle Rama.


Maagang nagpunta sina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na hindi rin nagtagal sa burol kaya 'di na namin naabutan.


Nu'ng Friday na last night ng wake, nakita naman namin ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, si Ricky Davao (na perfect attendance yata since day 1), Jay Manalo, Sen. Grace Poe, at ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño.


Dumating din daw sina Sen. Robin Padilla, Roderick Paulate a.k.a. Kuya Dick, Direk Joel Lamangan, Ara Mina, Sheryl Cruz at marami pang iba pero nag-alisan na rin siguro bago kami makarating.


Nu'ng mga unang araw, nakapunta rin daw sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado, Gabby Concepcion, Albert Martinez, Snooky Serna, Dina Bonnevie at Willie Revillame.


Nakita naman naming nakipaglibing kahapon sa Heritage Park, Taguig sina Ms. Maricel at Judy Ann Santos. 


Ang ipinagtataka lang namin, bagama't may sakit si Ms. Kris Aquino, hindi kaya nakarating sa kanya ang balitang pumanaw na si Mother Lily? Isa kasi si Kris sa mga well-loved stars ni Mother nu'ng nabubuhay pa at para rin silang tunay na mag-ina, pero bakit kaya wala kaming nabasa man lang na pa-tribute o mensahe ng pakikiramay ni Kris sa Regal matriarch?


May mga naghahanap din sa mensahe ng pakikiramay ni Megastar Sharon Cuneta kay Mother Lily dahil nakagawa rin naman ng Mano Po 6: A Mother's Love ang aktres sa Regal.


Samantala, nalaman namin kay Claudine nang sandali namin itong makatsikahan na busy daw ang kanyang Ate Gretchen Barretto na isa sa mga Regal Babies noon kaya hindi nakapunta sa lamay. So, bale siya na lang daw ang representative ni Gretchen. 

Nagmamadali that night si Claudine dahil nasa ospital din daw ang kanyang Mommy Inday dahil sa sakit na lupus na 9 na taon na nitong nilalabanan. 


Although ani Claudine, malakas pa naman ang kanyang ina at natatawa nga niyang sabi, mas lumalakas daw kapag nagsa-shopping ito. Hindi pa raw ito bedridden, bagama't paminsan-minsan ay naisusugod niya nga sa ospital 'pag masama ang pakiramdam.


Tinanong din namin si Claudine kung ano'ng mami-miss niya kay Mother Lily at du'n namin nalaman na never pala siyang nakagawa ng pelikula sa Regal Films.

Kuwento ni Claudine, kaya siya nag-artista dahil kay Mother Lily. Kinukulit daw siya nito noon na mag-artista para gumawa sa Regal, pero napunta siya sa Star Cinema. 


At tuwing magkikita raw sila ni Mother Lily, tinatanong siya nito kung kelan siya makakagawa ng pelikula sa Regal Films, kaso ayaw daw siyang ipahiram ng Star Cinema. 


Sayang nga lang daw at hindi niya napagbigyan ang Regal produ, pero buti na lang daw, nagka-collab ang GMA-7 at Regal Entertainment sa Lovers & Liars TV series kaya kahit paano ay masasabi rin niyang may nagawa siya under Regal Entertainment na si Ms. Roselle Monteverde na ang namamahala ngayon.


At nu'ng tinanong nga namin si Ma'm Roselle kung ano nang mangyayari sa Regal Entertainment ngayong wala na si Mother Lily, sinigurado naman niyang "Tuloy ang Regal," na siyempre, under her supervision na.


Anyway, lahat naman ng artistang nakausap namin sa burol ni Mother Lily, iisa ang sinasabi — malaking kawalan siya sa entertainment industry.


May you rest in eternal peace, our dear Mother Lily.


 

No comment sa harassment sa showbiz… AGA, IPINAUUBAYA NA KAY NIÑO ANG LABAN PARA KAY SANDRO


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Nakausap naman namin si Aga Muhlach sa fourth night ng wake ni Mother Lily at nag-share nga ito kung gaano sila naging close ng Regal matriarch.


Ani Aga, parang totoong nanay sa kanya si Mother Lily at sabi nga niya sa pagkamatay nito, "It's the end of an era."


'Di malilimutan ni Aga na si Mother Lily lang daw ang nasa tabi niya nu'ng panahong gumagapang siya sa kanyang career. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng condo at kotse at sunud-sunod na pelikula na naging daan para siya kilalanin sa movie industry.


Samantala, sinubukan din naming tanungin si Aga tungkol sa harassment issue kay Sandro Muhlach na anak ng pinsan niyang si Niño Muhlach pero tumangging mag-comment si Aga at ipinauubaya na lang niya ito kay Niño bagama't all-out support naman daw siya sa ipinaglalaban ng mga ito.


Tinanong din namin si Aga kung bago pa ba sa pandinig niya ang harassment sa showbiz pero tumanggi nang mag-comment ang magaling na aktor.


Ang kinumpirma sa amin ni Aga, magbabalik-tambalan sila ni Star for All Seasons Vilma Santos sa pang-MMFF entry, na kung saang production, ayaw pa niyang magdetalye.

Abangan na lang natin!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page