ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Marso 8, 2024
KATANUNGAN
Ako ay 23-anyos na at wala pa ring nobyo hanggang ngayon, hindi ko tuloy maiwasang mainis sa mga pinsan ko na may kani-kanya ng boyfriend dahil parang ipinagmamalaki pa nila sa akin ang kanilang mga boyfriend.
Mayroon naman akong mga manliligaw ngayon, ngunit karamihan sa kanila ay mga torpe at hindi ko naman gusto. Gusto ko kasi ay pormal na nanliligaw sa bahay namin para mas maramdaman ko ang sinseridad ng isang lalaki.
Maestro, kailan kaya ako magkaka-boyfriend para hindi na ako naa-out of place sa tuwing nakakasama ko ang mga pinsan ko?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin ang walang biyak at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend ngayon dahil kung sino ang una mong maging boyfriend, siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa.
Nakatakda siyang dumating sa isang lugar na hindi mo inaakala at pagkakataong hindi mo inaasahan, na kinumpirma naman ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na namataang tumuntong sa Bundok ng Tagumpay (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na minsan ka lang magmamahal at magkaka-boyfriend. Gayundin, sa minsang ito ay magiging successful agad ang iyong love life at nakatakda na ring magiging maligaya.
Ang pag-aanalisang kung sino ang magiging first boyfriend mo ay siya na rin ang mapapangasawa mo ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung saan napakapalad mo, sapagkat kung paano ka naging tapat sa iyong boyfriend, ganundin siya sa iyo, hanggang ang nasabing tapat at wagas na samahan ay tuluyan na ring mauuwi sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Althea, sa taon ding ito ng 2024, sa buwan ng Marso hanggang Abril, makikilala mo na rin ang lalaking una’t huli mong mamahalin na isinilang sa zodiac sign na Capricorn na may birth date na 1, 10 o 19. Tulad ng nasabi na, sa sandaling kayo ay magkakilala, unti-unti nang mabubuo ang mainit at panghabambuhay na pagmamahalan.
Comments