top of page
Search
BULGAR

Atat na atat na, Marjorie… JULIA, YES AGAD 'PAG NIYAYA NG KASAL NI GERALD

ni Nitz Miralles - @Bida | May 20, 2022



Kinilig ang mga fans nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa sagot ni Julia na yes agad ang isasagot niya kapag nag-propose na sa kanya ang BF.


Sinabi ito ni Julia sa interview niya kay Boy Abunda sa online show nitong Who Are You When No One Is Watching?.


Isa sa mga tanong ni Boy kay Julia ay may takot ba siya sakaling mag-settle down na siya at magkakaroon ng asawa at pamilya?


“I’m not scared. Marriage? It’s exciting. I’m curious,” ang matapang na sagot ni Julia.


Sakali raw mag-propose ng kasal si Gerald, “yes” ang kanyang isasagot.


Ang wish ngayon ng mga fans nina Gerald at Julia, mag-propose na si Gerald sa girlfriend at gusto nilang mapanood ang marriage proposal ng actor dahil gustong marinig ang pagye-yes ni Julia.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page