top of page
Search

Wala pa namang napapatunayan… ATASHA, ANAK LANG DAW NG ARTISTA, BIDA NA AGAD SA MOVIE

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 20, 2025



Photo: Atasha sa Bad Genius


Napili si Atasha Muhlach para gumanap na lead cast sa PH adaptation ng Bad Genius (BG) na isang Thai movie. 


Ang komento ng isang netizen sa balitang ito, “Philippines, no originality.”

Tanong ng iba sa acting ability ng anak ni Aga Muhlach, “Marunong ba umarte?” 


Sagot ng isa, “Obviously, hindi. Ni hindi nga matatas sa ating sariling wika/lengguwahe. She’s just another nepo baby.”


“Puwede naman silang bigyan ng chance pero sana, gaya ng iba, mag-start as support-support muna as training ground, hindi ‘yung ganyang big break at lead agad. ‘Di na nga nila naranasang mag-audition at ma-reject, eh. I wonder pa nga if napapagalitan ba ‘yan sa set.”


“Yung ‘iba’ kasi, nag-start talaga as child actors/actresses tapos ‘yung iba naman, supporting character like young ML (male lead) or FL (female lead). Si Atasha, bida agad kahit inexperienced o wala pang napatunayan.”


“Nasasayangan ako sa material. Maganda at promising sana ‘yung material, eh, magandang i-explore kung paano siya i-take at gawing Filipino version. Sana man lang, ‘yung mga umaarte talaga at ‘actor’ talaga na artista ang kinuha nila na lead kasi para mai-portray talaga nang maayos ‘yung role at kuwento. Hay.”


“‘Yung bina-bash nang todo ang mga twins ni Mina dahil nag-artista raw at buti pa ‘yung twins ni Aga dahil umiwas sa showbiz kaya sosyal ang dating... Ansabe (ano’ng masasabi) n’yo ngayon?"


“Alta pa rin naman dating nila kahit nag-artista sila. Same ng nanay nila si Charlene na kahit noong active pa sa showbiz, hindi baduy tingnan. Classy pa rin.”

“Pinipilit pinapasikat kaso waley appeal.”


“Tash reminds me of how they built up a young KC Concepcion - ultimate It girl, the face of brands with commercials/endorsements, bida agad sa series/film, but eventually, people lost interest in her kasi walang mass appeal.”


“Suwerte ng Muhlach twins. Everything handed to them on a silver platter. In fairness naman lalo na kay Andres, he gave justice sa Keifer role niya. At mukhang pursigido naman ang kambal sa pananagalog. ‘Yung Hyacinth ang sablay, ewan ko bakit ipinu-push ‘yan.”


Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?


 

May collaboration ng Anxiety Dance Challenge ang award-winning actress na si Nadine Lustre at sina Leni Robredo at Leila de Lima kung saan viral na ang kanilang dance video. 


Agad na nakakuha ng pansin ang lively collaboration ng tatlong personalidad sa mga netizens at ibinahagi nila ito sa online. 


Ang dance video ay ipinost ni Robredo sa kanyang official Facebook (FB) page. Nasorpresa ang mga netizens dahil game na game ang dalawang pulitiko sa pakikipagsayaw sa aktres. 


Ang dance session ay kanilang ginawa during a community walk for the partylist group na Mamamayang Liberal (ML) sa Naga City, Camarines Sur. 


Si De Lima ay first nominee ng ML partylist kung saan ineendorso siya ni Nadine. 

Parehong nakasuporta sina Robredo at Lustre behind De Lima’s campaign, underscoring their confidence in her leadership. 


Caption ni Leni sa kanilang dance collaboration, “Salamat sa pagdirek, Nadine Lustre. Nag-enjoy kami ni 1st nominee, Leila De Lima.” 


Viral sa social media ang endorsement ng aktres kay De Lima. 


Aniya, “Real talk. Sawa na ba kayo? Sawa na sa mga abusado sa kapangyarihan? Sa mga nasa puwesto na hindi marunong magpaliwanag kung saan napunta ang pera ng bayan? At ‘yung drama? 


“Okey lang sa pelikula at TV. Pero ‘pag sa gobyerno na, ibang usapan na ‘yan. Nakakapagod. Pero, may laban tayo.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page