top of page
Search
BULGAR

Asymptomatic naman daw… Spox Roque, gusto nang umuwi kahit positive sa COVID-19

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang alegasyon na siya ay naka-isolate umano sa isang posh hotel sa Pasay matapos na magpositibo sa test sa COVID-19 noong March 15, dahil aniya, nasa isang quarantine facility siya sa San Juan City.


“That [I was in a posh hotel] is fake news. I am in San Juan [city], along Annapolis Street,” ani Roque sa isang Palace briefing. “We don’t even have the means to pay for that hotel [in Pasay]. Hindi naman po ako nasa motel. This is a two-star hotel,” dagdag niya.


Ayon kay Roque, ang isang indibidwal na nagpositibo sa test sa COVID-19 ay pinapayagang mag-check-in sa isang government-accredited hotel na ginawang quarantine facility at may iba ring mga government officials na infected ng coronavirus na naka-quarantine na sa parehong pasilidad.


Kabilang dito ang isang anchor ng state broadcasting company na PTV, personnel mula sa Malacañang Accreditation and Relations Office, isang director sa opisina ni Roque at isa pang undersecretary mula sa ibang departamento.


Ayon pa kay Roque, susunod siya sa kanyang doktor kapag sinabi nitong manatili siya sa nasabing quarantine facility, kahit pa siya ay asymptomatic.


“That [isolating at home] is possible because I noticed that I am asymptomatic and people here have symptoms. I would be conferring with my doctor if I would be better off staying here or going home,” sabi ni Roque. Gayunman, matatandaang tumanggi si Roque na ipakita ang kanyang RT-PCR test na nagresulta sa COVID-19 positive.


Aniya, “I don’t think it is important.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page