ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | August 19, 2022
Kaliwa't-kanan na ang pagtataas ng mga presyo ng mga produktong ang sangkap ay asukal. Bagama't merong mga sinasabing shortage, hanggang ngayon ay malakas ang paniwala nating keri natin at sapat pa ang supply ng asukal.
Ramdam natin, na may something fishy, para i-push pa ang pagkokondisyon sa lahat ng mga negosyante, maliit man o malaking negosyante na merong malaking shortage ng asukal.
Sa ganang atin, kung meron mang kakapusan, hindi pa rin katanggap-tanggap na importasyon agad ang solusyon o tatakbuhan natin. Hay naku, kumita na ang ganyang "mind setting", no! Ano 'yan, para i-justify ba ang planong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal na binasura ng aking ading?
Plis naman, 'wag naman sanang sakyan ng marami at samantalahin ang pagkakataon para pagkakitaan ang trending na sinasabing shortage ng asukal no! 'Wag naman ganyan, nasa krisis tayong lahat.
Tayo, eh, naninindigang hindi dapat importasyon ang ipantapal natin sa problema. Kundi, IMEEsolusyon d'yan, check natin ang lahat at iimbentaryo ang natitira nating asukal. Eh, 'di ba, nga, kaka-report lang na itinengga raw sa bodega ang ilang supply ng asukal?
Naku, ha, hoarding na naman?! At kapag sobrang mahal na ng presyo ng asukal ay saka ilalabas? Hello, aba, aba, kubrahan na naman ng kita 'yan, ha?! IMEEsolusyon din na, plis mag-monitor naman nang husto ang Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration para masigurong walang nagaganap na pagtatago ng asukal.
IMEEsolusyon din ang rekomendado ng Philippine Coconut Authority na gumamit ng alternatibong coconut sap sugar o asukal na mula sa niyog sa paghahanda ng pagkain at inumin.
Eh, 'di ba, nga sabi ng PCA mayaman pa ito sa amino acid, lalo na sa glutamic acid na nakatutulong sa pag-normal ng function ng prostate gland at hindi lang 'yan, meron din itong taglay na carbohydrates, Vitamin B at Iron.
Saka, IMEEsolusyon naman din sa pagtaas ng presyo ng mga softdrinks at iba pang matatamis na inumin na ipalit natin 'yung ibinibida ng PCA na coconut water na mayaman sa potassium. Oh, 'di ba? Kaya nga, bago importasyon, tangkilikin muna natin ang sariling atin! Agree?!
Comentários