top of page
Search
BULGAR

AstraZeneca, kulang sa supply, next week pa — DOH

ni Lolet Abania | February 28, 2021





Maaantala ng isang linggo ang pagdating ng 525,600 AstraZeneca COVID-19 vaccines ng COVAX facility na nakatakda sana bukas, Marso 1, ayon kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez dahil anila sa limitadong supply nito.


“Hindi matutuloy (ang pagdating ng AstraZeneca). Ang sabi ng WHO, nagkakaproblema sila sa supply, maaantala pa raw ng mga isa pang linggo,” ani Duque sa isang interview matapos ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na donasyon ng Chinese government sa bansa ngayong Linggo ng hapon.


“Nakita naman natin na itong AstraZeneca ay pinag-aagawan sa Europe at developing countries. Naiintindihan naman natin, makakapag-antay pa tayo,” sabi naman ni Galvez.

Nakapag-isyu na ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) sa parehong AstraZeneca at Sinovac. Base sa isang FDA evaluation, ang AstraZeneca ay may efficacy rate na 70% matapos ang first dose, at ang rate ay madaragdagan matapos naman ang second dose na maibigay makaraan ang apat hanggang 12 linggo.


Sa Sinovac, lumalabas na ang efficacy rate nito ay 65% hanggang 91% para sa mga malulusog na indibidwal na edad 18 hanggang 59.


Gayunman, ayon sa FDA, hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng Sinovac sa mga health workers dahil sa ang efficacy rate nito ay umabot lamang sa 50.4% para sa naturang grupo.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page