ni Mary Gutierrez Almirañez | March 15, 2021
Suspendido ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa Netherlands bilang pag-iingat simula Marso 14 hanggang 29, ayon kay Dutch Health Minister Hugo de Jonge.
Aniya, "We can't allow any doubts about the vaccine. We have to make sure everything is right, so it is wise to pause for now."
Nauna na ring ipinatigil ang bakuna sa Thailand, Denmark, Norway at Iceland matapos maiulat na namatay dahil sa pamumuo ng dugo o blood clot ang ilang naturukan nito.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paggamit ng AstraZeneca sa ‘Pinas. Giit pa ng pamahalaan, “At present, the DOH and FDA emphasize that there is no indication for the Philippines to stop rollout of AstraZeneca vaccines.”
Comentários