ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 20, 2020
Hello, Bulgarians! Mula Nobyembre 27, 2020, magbubukas ng assistance package ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro at pensiyunado nitong naninirahan sa mga idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ilalim ng State of Calamity dahil sa Bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.
Binubuo ang package na ito ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP), Three-month Advance Pension for SS and Employees’ Compensation pensioners at Direct House Repair and Improvement Loan.
Ang pagpapasa ng aplikasyon sa CLAP at Three-month Advance pension ay hanggang Pebrero 26, 2021, habang ang Direct House Repair and Improvement Loan naman ay bukas ng isang taon.
Maglalabas ng bago at kumpletong guidelines para sa programang ito ang SSS sa kanilang Facebook Page sa Philippine Social Security System.
Sa ngayon, ang mga lugar na idineklara ng NDRRMC ay ang probinsiya ng Cavite, Catanduanes, Camarines Sur, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque at Albay; munisipalidad ng Mulanay sa Quezon; Culion sa Palawan; Banton, Concepcion at Corcuera sa Romblon at Asipulo sa Ifugao.
Para sa iba pang karagdagang katanungan, bisitahin lamang ang kanilang Facebook sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph,” Twitter sa “PHLSSS,” o sumali sa Viber community sa “MYSSSPH Updates.”
Commentaires