ni Clyde Mariano @Sports | April 2, 2024
Matapos gunitain ng Romano Katoliko ang apat na araw na Lenten break, muli na namang aagaw nang pansin ang mga manlalaro ng volleyball sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour sa Huwebes, Abril 4 sa world class na Nuvali Sands court sa Santa Rosa, Laguna kung saan unang ginawa ang World Pro Tour Challenge noong Disyembre.
“The Philippine has become volleyball destination in Asia. We are proud of that distinction,” sabi ni PNVF president Ramon 'Tats' Suzara. Ang PNVF at Nuvali ang magho-host din ng World Volleyball Pro Beach-Future sa Abril 11-14.
Ang women pair nina Gen Eslapador at Kly Orillaneda at ang tambalan nina Alexa Polidario at Jenny Gaviola ang maglalaro sa main draw. Tatlo ang koponan ng Australia, Japan at Thailand, dalawa sa Hong Kong, Singapore, Kazakhstan, at New Zealand. Nagpasabi rin ang Indonesia, Macau at Malaysia na sasali sila sa torneo.
Sa men’s division, tatlo ang koponan ng Australia, Japan at Thailand, dalawa sa Kazakhstan, Iran at New Zealand, China, Malaysia at Hongkong. Nasa calendar ng PNVF ay ang 5th AVC Challenge Cup for Women sa May 4, Southeast Asia V League sa Hulyo at Volleyball World Pro Challenge na gagawin din sa Nuvali sa Nobyembre.
May 46 na koponan kasama ang Australia at New Zealand ang kalanok sa 4-day na kompetisyon na hosted ng Philippine National Volleyball Federation na sinuportahan ng PSC-POC. Gagawin din sa 'Pinas ang 2025 World Men Volleyball nang i-award ng World Volleyball Federation na pinamumunuan ni Ary Graca ng Brazil ang hosting ng pinaka-prestihiyosong kompetisyon sa mundo.
Ayon kay Suzara ang 32 teams na mas malaki sa naunang dalawang kompetisyon ay ginawa sa Japan noong 1998 at 2006 bago ginawa noong 2018 sa Bulgaria at Italya at 2022 sa Poland at Slovenia.
Comments