top of page
Search

Lumayas sa madir, 3 yrs. na raw ‘di nag-uusap… ASHLEY, UMAMING SI MAVY LANG ANG KASAMA SA BAHAY

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 11, 2025




Sabi ni Mavy Legaspi, nami-miss na niya ang girlfriend na si Ashley Ortega dahil naka-hotel arrest ito kasama ang ibang Kapuso stars na pumasok sa Bahay ni Kuya. 


Akala ni Mavy, sa pilot ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition last Sunday lang niya makikita ang GF. Laking-gulat at tuwa siguro ng magdyowa dahil ilang araw silang magkakasama sa Bahay ni Kuya. 


Sina Mavy, Melai Cantiveros at Gabbi Garcia ay pinaiwan sa Bahay ni Kuya, kaya ilang araw din silang magkasama.


Napanood nga namin sa video na sa first meal ng PBB housemates, magkatabi silang kumain. Dahil hindi bawal sa kanila ang interaction, siguradong marami silang mapag-uusapan.


Itanong kaya ni Mavy kay Ashley ang naikuwento ng GF kay Ivana Alawi na three years na siyang estranged sa kanyang mom?


“Three years na kaming hindi nakakapag-usap. I haven’t spoken to her in three years. Mag-isa lang ako. Three years na akong living alone. Ako lang mag-isa, saka si Mavy, dyowa ko. Sana magbati na kami,” wish ni Ashley.


Close si Ivana sa kanyang family at gusto nito, laging kasama ang mom niya and her siblings. Sabi ng mga viewers ng PBB, sana kausapin pa nito si Ashley at mapayuhan para makipagbati na sa kanyang nanay. Si Ashley Ortega naman daw ang umalis sa bahay nila.


 

Ibinulgar ng madir… MIGUEL, INIYAKAN SI BARBIE NANG MAGHIWALAY



NAGING sina Barbie Forteza at Miguel Tanfelix pala, hindi lang crush ang nangyari sa dalawa. 


Nalaman ang tungkol dito nang mag-guest si Miguel at ang mom niyang si Mommy Grace sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT).


Kuwento ni Mommy Grace, umuwi si Miguel na umiiyak at nang kanyang tanungin, ang breakup nito at ni Barbie ang inirason. 


Nakasalubong daw niya sa hagdan si Miguel na umiiyak at nang tanungin,


“Mommy, nag-break na kami,” ang pag-amin nito.


“Ang sagot ko, ‘Ah, talaga?’ Hindi pa naman seryosohan ‘yun. Fourteen years old lang si Miguel,” kuwento ni Mommy Grace.


Si Barbie, parang hindi pa natanong tungkol sa kanila ni Miguel at ang nalaman lang na ex nito ay si Kiko Estrada at ngayon ay si Jak Roberto. Siguro naman, kapag tinanong si Barbie ay hindi nito itatanggi ang tungkol dito.


Anyway, sikat ngayon si Mommy Grace dahil sa kanyang cooking vlog kung saan sumikat ang expression niyang “Okay na ‘to,” tuwing natatapos na ang kanyang iniluluto. May mga parody at meme na naglabasan at nag-guest pa nga si Mommy Grace sa action series ni Miguel na Mga Batang Riles (MBR).


Binibiro nga si Miguel na mas sikat ngayon ang mom niya dahil maraming in-house endorsement sa kanyang cooking show. Endorser na rin siya ng SM Fairview, bagay na hindi pa nagagawa ni Miguel.


 

TAMANG caption ang ginamit ni Xian Lim sa post niyang ang mom niya at lola niya ang pasahero ng pinalipad na helicopter. 


Sabi ni Xian, “The best feeling ever.” 


Ang daming natuwa para kay Xian, ibang pakiramdam nga naman kung ang pasahero ay ang dalawang babae na pinakamamahal mo.


Sa Vigan dinala ni Xian ang mom at lola niya, birthday treat pala niya ‘yun sa lola niya na 90 years old na. Makikita ang saya sa mukha ng lola ni Xian dahil imagine nga naman, apo mo ang piloto ng sinakyan mong chopper.


In an earlier post, kasama pa rin ni Xian ang mom at lola niya at may birthday message siya sa lola niya. 


Aniya, “Happy birthday, Lola. I wish you have many more healthy years ahead.”


 

NAGPAPASALAMAT ang Multi-Media Press Society, Inc. (MMPRESS) sa mga donors na tumulong para maging successful ang outreach at feeding program ng grupo kabilang na sina Senator Lito Lapid, Boy Abunda, Ara Mina, Isko Moreno, Director Joven Tan, Noel Ferrer at iba pang anonymous donors.


Some 100 Aetas families were given relief goods which contain basic necessities and 150 Aetas children were given food packs.


Mauulit pa ang mga ganitong outreach and feeding program ng MMPRESS.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page