ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 13, 2025
May mga pabirong comments na quits na raw sina Ashley Ortega at Kyline Alcantara dahil kung si Kyline ay kumakandong kay Kobe Paras, si Ashley naman, ipinaamoy ang kilikili niya sa boyfriend na si Mavy Legaspi. Nangyari ito noong nasa Bahay ni Kuya si Mavy at naglalambingan silang dalawa.
Dalawang kilikili ni Ashley ang ipinaamoy kay Mavy at depensa nito, hindi mabaho ang kilikili niya.
Sagot ni Mavy, “I said mabango,” saka sila nagtawanan.
Ang nag-react ay ang kapwa housemate ni Ashley na si Josh Ford dahil harap-harapan daw ang lambingan ng dalawa. Nag-sorry si Mavy sa tila nainggit na si Josh na walang kalambingan sa Bahay ni Kuya.
Sayang at pinauwi agad si Mavy dahil kung nagtagal pa siya sa Bahay ni Kuya, marami pa sana silang moments ni Ashley.
Kung may mga naaliw sa ginawa ni Ashley na pagpapaamoy sa kanyang kilikili, marami ang hindi natuwa.
Sa ginawa ni Ashley, baka mauna siyang ma-evict sa Bahay ni Kuya. May naartehan sa kanya, may nag-comment pa na okay lang kung walang nakatutok na camera nang ipaamoy niya ang kilikili sa boyfriend. May gusto namang malaman ang reaksiyon ni Mavy sa pagpapaamoy ni Ashley sa kanyang kilikili.
Inaabangan na tuloy ang mga susunod pang gagawin ni Ashley habang nasa Bahay ni Kuya at habang tumatakbo ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
ANG ganda ng realization ni Rayver Cruz in doing Sinagtala: The Movie (STM).
“Mas may confidence ako sa first love ko na dancing. Ngayon, masasabi ko, yes, I’m a singer,” masaya nitong pahayag sa mediacon ng nasabing pelikula.
Dahil may tiwala na kaya na niyang maging singer, maganda ang naging performance ni Rayver nang kantahin nila nina Rhian Ramos, Arci Muñoz, Matt Lozano, at Glaiza de Castro ang Pare Ko ng Eraserheads.
Si Rayver ang unang kumanta at sumunod ang mga co-stars at gumanap na bandmates niya sa nasabing pelikula.
Maganda ang story ng STM na isinulat din ng director nitong si Mike Sandejas. Ipapakita ang journey ng isang banda na sumikat, na-disband at babalik sa pagtugtog.
Maganda ang karakter ng cast at si Rayver nga bilang si Reggie, isang single dad at makukulong pa.
Hindi na bago sa kanya ang role ng isang ama, ang hindi pa niya nagampanan ay ang makulong.
Maganda ang role at magandang pelikula, nanghihinayang lang si Rayver na hindi na ito mapapanood ng mom niya.
“Gusto ko sanang mapanood ng mom ko ang movie na ito, pero wala na s’ya. Pinakamabigat na nangyari sa buhay ko ay nang mawala ang pamilya ko (his dad), lalo na ang mom ko,” wika ni Rayver.
Dahil din pala sa STM, natupad ang dream ni Rayver na maging part ng banda. Kahit sa pelikula lang, naranasan niyang maging band member at siya pa ang lead vocalist sa movie.
Kaya pala ang galing-galing niya nang mag-guest sa concert ng The Dawn.
Anyway, sa April 2 na ang simula ng showing ng STM at sa March 20 ang premiere night nito.
Musical drama ang tema ng pelikula na ipinagmamalaki ni Direk Mike.
“I assure you, we have a good movie, we have a perfect cast, and a good soundtrack. You will love Sinagtala,” sabi nito.
MAY ipinitch na project ang GMA Public Affairs kay Dingdong Dantes at kasama ng aktor na nakipag-meeting kay Nessa Valdellon ang manager niyang si Perry Lansigan.
Tinanong namin si Perry nang makita namin sa thanksgiving party ng alaga rin niyang si Ivana Alawi kung para saan ang pitching na ‘yun at sagot nito, para sa movie.
Walang ibang binanggit si Perry at hindi na rin kami nagtanong, pero maganda kung sa entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF), pelikula na pagbibidahan ni Dingdong.
Kasama si Dingdong sa Firefly, entry sa 2023 MMFF, pero limited lang ang mga eksena niya na nagmarka naman. Kung siya nga ang lead actor sa 2025 MMFF entry ng GMA Public Affairs, sure winner na naman ito.
Sa ngayon, sa Family Feud (FF) at Amazing Earth (AE) busy si Dingdong bilang host. May time siyang gumawa ng pelikula.
Comments