top of page
Search
BULGAR

ASEAN, kumilos para maging affordable ang presyo ng COVID-19

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 25, 2020



Tayo ba ay mag-aabang na lang for life pagdating sa presyo ng mga bakuna at gamot galing sa mga dambuhalang pharmaceutical companies?


‘Yan, mga friends, ang sitwasyon nating mga less developed countries, lalo na sa inaantabayanang bakuna kontra sa COVID-19. Palagi na lang tayong mega-hintay sa mga presyong idinidikta ng mga dayuhang kumpanya. Forever na lang ganyan?


Kawawa naman tayong mga bansang napag-iiwanan. Pero ‘wag nating bulukin ang ganyang kalakaran! Nag-uunahan na ang mga pharmaceutical companies ng US, UK, Russia at China na matapos sa clinical trials.


Kailangang may kontrol sa presyuhan o ang tinatawag na global price ceiling! Pero paano mangyayari ‘yan kung sila ang nagdidikta at ang mga pobreng bansang tulad natin ay “at their mercy”, sabi nga. At ‘wag ka, need pa ng reservation fee o deposito para masigurong mabibigyan tayo ng supply!


IMEEsolusyon diyan, eh, gamitin ang impluwensiya ng ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas. Mega-hirit tayong simulan ang bagong paraan ng pagnenegosyo sa paggawa, pagpa-patent, pag-presyo at pamamahagi ng mga bakuna lalo na sa COVID-19.


Lumakas ang impluwensiya ng ASEAN sa pandaigdigang pangangalakal nang lagdaan ng sampung miyembrong bansa ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP Agreement nuong nagdaang linggo. Kasali pa ang mga non-member states na Australia, China, Japan, New Zealand at South Korea.


Take note, kumakatawan ang RCEP sa isa sa bawat tatlong tao sa buong mundo. Oh, ‘di ba bongga!


Puwedeng pasimulan ng ASEAN na i-share at huwag ipagdamot ng mga imbentor ang kaalaman at teknolohiya sa paggawa ng bakuna. Ito ang dapat maging “new normal” sa mga patent at copyright sa bakuna, para sa kabutihan ng sangkatauhan.


Inaasahan din nating out of malasakit at hindi lang para sa kita ang karerahan ng mga bansa sa pagbuo ng COVID-19 vaccine! Harinawa!


Wish talaga nating makarating ang hirit ng IMEESolusyon sa ASEAN para sa pandaigdigang kasunduan sa presyo.


‘Ika nga, kung gusto, may paraan; kung ayaw, nagdadahilan, ‘di ba!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page