top of page
Search

Asar-talo sa mga IS hosts... PINK BIKE NI KIM, BIGAY DAW NI PAULO

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 19, 2025



Photo: Kim Chiu - IG


Iniintriga ngayon ang pink bike ni Kim Chiu dahil ang hinala ng marami ay bigay iyon ng leading man at ka-love team na si Paulo Avelino.


Sa recent episode ng It’s Showtime (IS) ay binanggit kasi ni Darren Espanto na bumili raw ng bike si Kimmy.


“Saka bumili ‘yan ng bike, T’yang. Kasi gusto n’ya maging active,” pangangantiyaw ni Darren.

Pumiyok naman agad si Kim at sinabing, “Hoy, may bike na talaga ako… Ibinigay ‘yung bike, bigay ‘yun.”


At hayun na nga, kinantiyawan na si Chinita Princess ng kanyang mga co-hosts.

“Bigay niya?” ang hirit sa kanya na hindi man binanggit kung sino, obvious na si Paulo ang tinutukoy na “niya.”


Tawa lang nang tawa si Kimmy at sey na lang niya, “Hoy, tama na. Presscon?”


Kung sinusundan n’yo ang Instagram (IG) posts ng aktres ay makikita n’yong laging gamit ni Kim ang kanyang bagong pink bike. Una niya itong ginamit noong October, 2024 at pinasalamatan pa niya si Paulo sa caption na kasama rin niyang nagba-bike.


“First ride out with my pink bike!!! (pink heart emoji) Finally after so long of wanting a pink bike, here it is!!!! Yahooooo!!!!! Out with the old, in with the new!!! (wink emoji). Thanks coach @siraoulo best of luck sa race this weekend and coach @anton7reales for the great ride out. Cge na nga, thanks also coach @pauavelino,” ang caption ni Chinita Princess.


 

BUONG pagmamalaking iwinagayway ni Sparkle artist Skye Chua ang Philippine flag sa opening ng 2025 FISU Winter World University Games sa Italy.


Siya ang sole representative ng University of the Philippines (UP) at ng Pilipinas para sa nasabing competition. 


Bago ang 2025 FISU Winter World University Games, nakamit ni Skye ang third place sa SEA Open Figure Skating trophy noong nakaraang taon.


Ipinagmamalaki ni Skye ang pagkakataong magsilbing inspirasyon sa mga kabataang Pilipino at magrepresenta ng bansa sa global stage.


Ang 2025 FISU World University Games ay ang ika-32 edition ng kompetisyong ito, na inorganisa ng International University Sports Federation at ginaganap tuwing dalawang taon.


Dati itong tinatawag na ‘Universiade’, at isa ito sa mga pinakapinapanood at inaabangan na multi-sport competition para sa mga student-athletes.


 

MASAYANG-MASAYA si Coco Martin sa pagdiriwang ng ika-500 episodes ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) noong January 16. At bilang pasasalamat sa lahat ng tumatangkilik sa programa ay maraming sorpresa na inihanda ang aktor-direktor, kabilang na ang mga bigating cast na madaragdag at mga pasabog na eksena.


“Sabi ko talaga, pagpasok ng taon... ipinangako ko ‘to sa mga tao, sa mga viewers. Sabi ko, walang Pasko, walang Bagong Taon, sabi ko, dire-diretso ‘yan,” sey ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.


Bagama’t hindi pa inaanunsiyo kung sinu-sino ang mga bigating cast na papasok, ani Coco ay dream cast ito at matagal na niyang nilu-look forward na makasama ang mga artistang ito.


Basta pangako ni Coco, tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng BQ ng magagandang kuwento ngayong 2025, lalo pa nga’t magdadalawang taon na ang serye.


So malinaw, hindi totoo ang tsikang magtatapos na ang BQ na napapanood gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page