top of page
Search
BULGAR

Asar sa 55-anyos na utol dahil laging galit

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | September 28, 2022


Dear Sister Isabel,


Ang problema ko ay tungkol sa kapatid kong 55-anyos na dati ay sobrang bait sa akin, pero ngayon ay bigla na lang naging masungit at sigaw nang sigaw kapag kinakausap ko. Palagi siyang pagalit kung magsalita at hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko naman maitanong kung bakit siya ganu’n.


Ano ang gagawin kong approach para maibalik sa dati ang ugali ng kapatid ko? Nawa’y mabigyan n’yo ako ng kaukulang payo.


Nagpapasalamat,

Lourdes ng Davao


Sa iyo, Lourdes,


Ang sabi mo ay 55-anyos na ang kapatid mo. Unawain mo na lang siya dahil sa edad niya ngayon, baka nagme-menopause o andropause na siya. Sa edad niya na ‘yan, posibleng maging masungit at palasigaw siya, natural ‘yan sa tumatanda na.


Hindi mo rin alam kung may dinaramdam siya sa katawan. Pang-unawa ang kailangan mong gawin at ipagdasal mo ang kapatid mo. Sa Diyos ka dumulog at makikita mo, magbabago na ang pagtingin niya sa iyo.


Lahat ng bagay ay malulutas sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page