ni Jasmin Joy Evangelista | April 5, 2022
Isang araw bago ang kanyang ika-75 kaarawan, hiniling ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kapwa-Kapampangan ang landslide win para kay vice presidential candidate Inday Sara Duterte-Carpio.
“For Bong Bong Marcos to be a good president, he needs a vice president like Sara. So let’s make her win by a landslide in Pampanga,” ani Arroyo sa wikang Kapampangan.
Ito ay kahalintulad ng kanilang apela sa publiko nang suportahan nila ang dating running mate ni Arroyo sa 2004 elections na si Noli de Castro.
Parehong nagwagi sina Macapagal-Arroyo at De Castro sa naturang eleksiyon.
“Kaya ngayon naman, tiyakin natin na UniTeam ang tutulungan natin. Kailangan ni BBM (Bongbong Marcos), kahit matalino siya, para maging magaling na presidente, kailangan niya si Mayor Inday Sara Duterte bilang bise presidente,” ani Macapagal-Arroyo.
Sinabi pa ni Arroyo na ang kanyang pahayag ay base sa kanyang karanasan. Masuwerte umano siya na naging vice president niya si Noli de Castro.
“It is difficult to serve as President but I got big help from Noli,” aniya.
Ayon pa rito, ang pagboto ng mga Kapampangan kay Duterte-Carpio ay pagbabalik lamang ng malaking suporta ni P-Duterte sa development ng Pampanga.
Inihayag naman ni Duterte-Carpio na malaki ang naging tulong sa kanya ni Arroyo nang magsilbi itong head ng Lakas-CMD. Hiling daw niya ang good health, happiness at long life para kay Arroyo.
Bukod pa rito, ibinahagi ni Macapagal-Arroyo na tinulungan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ama ni Duterte-Carpio, ang lalawigan ng Pampanga.
“Pangalawa, sa laki ng tulong naman ni Presidente Rody Duterte dito sa atin sa Pampanga,” aniya.
“Kaya suklian natin siya… Dapat landslide si Inday Sara,” dagdag niya.
Si Macapagal-Arroyo ay ang president emeritus ng Lakas-CMD, ang partido kung saan tumatakbo si Duterte-Carpio bilang vice president.
Comments