ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 4, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_c53ccc1f1d7a4fe4b5594f16f82a9285~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_c53ccc1f1d7a4fe4b5594f16f82a9285~mv2.jpg)
Binigyan ng malisya ng ilang netizens ang ginawang pagnanakaw ng halik ni Paolo Contis kay Arra San Agustin sa programang Eat… Bulaga!. May bagong bibiktimahin na naman daw si Contis at naghahanap na ng kapalit ni Yen Santos.
Kaya ngayon pa lang ay wina-warning-an at pinag-iingat na ng marami si Arra San Agustin. Tiyak daw na gagawin lahat ni Paolo para mapansin siya ni Arra tulad din ng ginawa niya noon kina LJ Reyes at Yen Santos.
Well, paliwanag ni Paolo ay friendly kiss lang ang ginawa niya dahil sa noo niya hinalikan si Arra San Agustin. At bahagi rin 'yun ng segment nila ni Betong Sumaya sa Eat… Bulaga!. May kompetisyon sila sa babae at mai-involve sa triangle.
Well, abangers na lang ang mga netizens kung ano ang magiging kaganapan kina Arra at Paolo.
Kung masusundan pa ang kanilang kissing scene at kung magiging close sila, tiyak nang may “something special" na nagaganap.
Comments