top of page
Search

ARMYs, itinanggi ang pagpapasimuno sa trending hashtag na #SugaChallenge

BULGAR

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 12, 2024



Sports News
Photo: AP

Itinanggi ng mga fans ng BTS o mas kilala bilang ARMYs, ang pagpapasimuno sa #SugaChallenge bilang suporta sa pagkakasangkot ng BTS member na si Suga sa drunk driving.


Noong Agosto 6, nasemplang si Suga na kasalukuyang nagsasagawa ng kanyang serbisyo militar bilang social worker, habang siya’y nagmamaneho ng electric scooter sa Seoul.


Ayon sa pulis, ang resulta ng breathalyzer test ni Suga ay nagpapakita ng 0.227 percent na blood alcohol content, na sobrang taas kumpara sa license revocation level na 0.08 percent. Malapit nang ipatawag ng Yongsan Police Station sa Seoul si Suga para imbestigahan ang mga pangyayari sa kanyang pag-inom at ang dami ng alcohol na kanyang nakonsumo.


Sa X, umakyat sa trending ang #SugaChallenge kung saan ang mga gumagamit ng hashtag ay nag-post ng mga larawan na nagpapakita ng pag-inom ng alak sa kanilang mga sasakyan. Maging ang mga media sa Korea ay nag-ulat tungkol sa #SugaChallenge na sinasabing sinimulan ng BTS ARMYs.


Naglabas naman ng pahayag ang BTS ARMYs upang itanggi ang kanilang pagkakasangkot sa trend na #SugaChallenge.


“From BTS ARMY: In light of recent events, a number of individuals associated with various music fandoms…who have expressed unfavorable opinions towards BTS, have initiated a trend intended to ridicule a specific situation,” ayon sa pahayag na ibinabahagi ng mga BTS ARMYs sa Facebook at X.


Dagdag pa nito, “This trend entails the sharing of images portraying the consumption of alcohol within a vehicle, despite the fact that the initial incident did not occur in a car. It is important to note that although ARMY will continue their support for all seven members, ARMY was not involved in this trend, as it is essential to handle such matters with sensitivity and consideration for all parties involved.


Thank you. ARMY.” Bilang pagkontra sa #SugaChallenge, ginamit ng fandom ang mga hashtags na #FAKECHALLENGE, #Its_Not_ARMY, #조작된챌린지 #진짜아미아님 at #koreanmediabeprofessional.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page