ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 7, 2020
Itinanghal na kauna-unahang babae na nakaabot ng 200 million Instagram followers ang 27-year-old international pop superstar na si Ariana Grande matapos umabot sa mahigit 201-M ang kanyang IG followers.
Sumunod kay Ariana ay si Kylie Jenner na mayroong 194 million followers at si Selena Gomez na may 192 million followers.
Ang football star na si Cristiano Ronaldo ang kauna-unahang nagkaroon ng mahigit 200 million followers. Sa ngayon ay mayroon na siyang 237 million followers sa IG.
Dahil sa achievement na ito ni Ariana ay pinuri siya ng kapwa niya international pop star na si Lady Gaga at tinawag pa itong “queen.”
Aniya, “Congratulations to my friend @arianagrande for 200 million followers! You’re a queen! Wear that crown!”
Comments