top of page
Search
  • BULGAR

ArenaPlus, may regalong P5M kay Carlos Yulo

ni Eli San Miguel @News | August 7, 2024


Sports News
Photo: Arena Plus

Nakikiisa ang ArenaPlus sa pagdiriwang ng buong Pilipinas sa makasaysayang double gold medal victory ni Carlos “Golden Boy” Yulo sa 2024 Olympic Games.


Bilang pagkilala sa makasaysayang tagumpay ni Yulo, igagawad ng ArenaPlus sa Olympian ang 'Astig Hero Bonus' na ₱5,000,000 cash.


Ito ay isang simbolo ng pagmamalaki at pasasalamat ng ArenaPlus kay Yulo sa kanyang pagrepresenta sa bansa sa pinaka-prestihiyosong palakasan sa mundo.


Ang pagsisikap at dedikasyon ni Yulo ay nagresulta sa makasaysayang pagkapanalo ng dalawang gintong medalya sa Men’s Artistic Gymnastics sa Men’s Floor at Men’s Vault Exercises.


Si Yulo ang pangalawang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa Olympics, at ang nakatanggap ng pinakamaraming parangal sa kasaysayan.

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page