top of page
Search

Kahit malaos pa… ARCI, WALANG BALAK PASUKIN ANG PULITIKA

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 13, 2025



Photo: Arci Muñoz - IG


Seventeen years na pala ang bandang Philia kung saan isa sa mga members ang sexy actress na si Arci Muñoz.


Natanong namin si Arci sa one-on-one interview after ng grand mediacon ng latest movie niyang Sinagtala kasama sina Rayver Cruz, Matt Lozano, Glaiza de Castro at Rhian Ramos na palabas na sa April 2, 2025, kung naniniwala ba siyang mas maikli ang buhay-karera ng mga nasa banda kesa sa buhay-artista.


Sa Sinagtala The Movie kasi, gaganap ang limang bida bilang mga miyembro ng banda.

Sagot ni Arci, hindi siya naniniwalang maikli lang ang buhay ng banda dahil 17 yrs. na nga silang magkakasama sa Philia at parang magkakapatid na nga ang turingan nila. Nasa pagdadala lang daw ‘yan at pagtrato sa isa’t isa.


Alam naman daw ni Arci na lahat ng bagay ay may ending, kaya ngayon pa lang, gumagawa raw siya ng maganda para sakaling dumating ang panahon na malaos na siya, may maiiwanan siyang alaala sa susunod na henerasyon, tulad nga nitong Sinagtala na sobrang makabuluhang movie raw mula sa direksiyon ni Mike Sandejas.


Tinanong namin si Arci kung puwede ba niyang maging fallback ang pulitika sakaling wala na siyang offers sa music at showbiz world.


Aniya, “Sabi ko nga po, right now, hindi pa siya pumapasok talaga sa isip ko kasi ang tagal ko ngang wala.”


At ngayon nga raw na nabigyan uli siya ng chance na umarte sa pelikula, ito muna ang gusto niyang bigyang-pansin, although abala rin naman daw siya sa kanyang pagiging Philippine Airforce reservist na maituturing din namang paglilingkod sa bayan.


When asked kung may mga nag-offer din ba sa kanya na tumakbo sa pulitika, “Ngayon, no, wala,” sagot ni Arci.


Minsan na rin siyang na-link kay Paolo Duterte na isa sa mga anak ni former Pres. Rodrigo Duterte, kaya hiningi namin ang reaksiyon ni Arci sa pagkaaresto sa dating pangulo.


Umiling si Arci at marespeto namang nagpasintabi na ayaw niyang mag-comment tungkol sa pulitika at sa latest na nangyari kay ex-P-Duterte.

“I don’t wanna talk about politics,” aniya.


Sabagay, less talk, less mistake.


Pero ‘pag tungkol sa Sinagtala The Movie nila nina Rayver, Rhian, Glaiza at Matt, super proud sa pagkukuwento si Arci sa ganda ng movie at excited na nga raw siyang mapanood ito ng maraming OPM fans dahil maraming lessons na hatid ang pelikula tungkol sa buhay-buhay.


Showing na ang Sinagtala The Movie mula sa Sinagtala Productions sa April 2 in cinemas nationwide.


 

NATATANDAAN n’yo pa ba ang sumikat na sexy all-female group noong 2003 na D’ Bodies, na naging controversial pa nga dahil sa sexy pictorial nila sa Baywalk along Roxas Blvd.?


Well, dito inspired ang bagong grupong binuo ng talent discoverer and entrepreneur na si Ms. Marynette Gamboa, ang Bodies: Next Gen, under her company Premiere WaterPlus Production.


Binubuo ng 13 young pretty and sexy girls na mala-K-pop ang datingan, mukhang balak tapatan ng Bodies: Next Gen ang una nang sumikat na nation’s girl group na BINI.


Last March 8 sa Great Eastern Hotel, ipinakilala na ang bagong girl group na binubuo nina Bodi Wendy, Bodi Chanel, Bodi Amara, Bodi Iris, Bodi KZ, Bodi Mycky, Bodi Selina, Bodi Jade, Bodi Darrah, Bodi Kesha, Bodi Sherie, Bodi Dior, and Bodi Tia.


Mas wholesome lang ngayon ang dating ng Bodies: Next Gen kumpara sa D’ Bodies na pa-sexy dahil dumaan pala sa matinding audition at dance training ang 13 members na in fairness, may talent both in singing and dancing, kaya puwede silang isabak sa kahit anong klase ng show at kahit sa mga fiesta sa mga probinsiya.


Karamihan sa mga members ng Bodies: Next Gen ay mga nag-aaral pa at isinasabay ang pag-aaral sa trabaho dahil sa pangarap na makatulong sa pamilya, habang ang ilan naman ay may exposure na sa showbiz industry pero nangangarap pa ring sumikat.


Well, wala namang dapat na ikagalit ang mga Blooms o fans ng BINI kung may bagong sumulpot na all-girl group ngayon na ang gusto lang din ay magpasaya ng mga tao. Besides, may kasabihan na “The more, the merrier,” ‘di ba nga?


 

NAGLABAS ng official statement kahapon ang Festival Director ng Puregold CinePanalo Film Festival na si Chris Cahilig kaugnay ng pag-pullout sa isa sa mga entries titled Food Delivery, Fresh From the West Philippine Sea.


We regret to confirm that Food Delivery, Fresh from the West Philippine Sea has been pulled out from the CinePanalo Festival. While the decision was made jointly by the festival organizers and film creators, it is clear that external factors played a role in this outcome.


“We appreciate the continued support from those who believe in the film’s importance and will announce alternative screenings soon.”


Ang naturang movie ni Baby Ruth Villarama ang sana’y CinePanalo's first-ever documentary.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page