ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 16, 2025
Photo: Arci - IG
Aminado si Arci Muñoz na nape-pressure na rin siya na hanggang ngayon ay wala pa siyang sariling pamilya. She’s 36 now at aniya, lahat ng kapatid niya ay married na.
“Nape-pressure ako, siyempre, ‘di ba? All my siblings are married and they all have their family, they have kids,” aniya nang makausap ng press sa mediacon ng pelikula niyang Sinagtala.
“As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ‘ko du’n. Kasi para na ‘kong may mga anak sa mga pamangkin ko.”
Pero siyempre, gusto rin daw niyang magkaroon ng sariling pamilya. She revealed na pinaplano na raw niyang magpa-freeze ng eggs niya para magkaroon ng anak.
“In the future, of course, I wanna be a mom,” sey pa niya.
Sa ngayon daw kasi ay single siya at matagal na rin daw walang love life.
“Ako ngayon talaga, si Lord na lang talaga. Wala na, nag-let go na ako. Ayoko na rin talagang magplano. Ayoko na ring ma-pressure. Sobrang kumakapit ako sa faith ko kay Lord, na kung anuman ‘yung plano Niya para sa ‘kin, ‘Lord just direct me there,’” anang aktres.
Pero siyempre, hangga’t maaari, gusto naman niya na may partner din siya at hindi baby lang.
“Lord, gusto ko naman ng partner sa buhay,” sambit ni Arci.
‘Yun nga lang, mataas daw kasi ang standards niya at ang gusto niya ay katulad ng papa niya na mahirap daw hanapin. The best daw ang kanyang ama at talagang pinalaki sila nang maayos. Kung anuman daw siya ngayon ay dahil sa kanyang tatay.
Samantala, isa sa mga bida ng Sinagtala si Arci at kasama niya rito sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Matt Lozano, and Rayver Cruz.
May pagka-musical ang pelikula dahil members silang lima ng isang banda at may mga performances sila rito. Sey ni Arci, first time raw niyang gumawa ng ganitong klaseng film kaya naman sobrang excited siya.
“Everything that’s new for me and challenging, talagang I look forward to doing it, eh.
“And also, nu’ng nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko na very talented people talaga, very talented artists, not only in acting but also as singers, so ‘yun po talaga. It’s the excitement na makakabalik ako uli sa paggawa ng pelikula after so long.
“And maganda ‘yung kuwento, napakaganda talaga ng kuwento, I’m not exaggerating,” aniya.
Showing na sa mga sinehan ang Sinagtala sa April 2 mula sa direksiyon ni Mike Sandejas.
BONGGA ang newbie actor na si Jossmig Medina dahil ilang buwan pa lang siya sa showbiz ay mayroon na agad siyang endorsement. Siya ang kinuhang ambassador ng bagong social media platform na Chizmiz.
Kamakailan nga ay nagkaroon ng media launch ang bagong socmed (social media) app na ito na ginanap sa Holiday Inn, Makati at dito ay ipinakilala si Jossmig bilang kanilang ambassador.
“I love social media,” anang 15-year-old newbie na alaga ni Wowie Roxas.
Sey niya, “Mahilig akong mag-post, mag-update sa social media.”
Dagdag pa niya, “This Chizmis app, nakikita ko ‘yung potential po nito kasi, nakikita natin na safe tayo dito. Dito, walang mangyayaring pamba-bash or what.”
Sey pa ni Jossmig, “This application is built for the Filipinos in mind, connecting people, not just information but also commerce.”
Ang Chizmis socmed app ay isang innovative all-in-one digital platform na naka-design para baguhin ang pag-connect, content creation at online shopping ng publiko.
“We designed this platform to bridge the gap between social interaction, content creation, and commerce. So, whether you’re a creator, a consumer, or a seller, Chizmis is the place where all your digital needs are met in one seamless experience,” pahayag ni Mr. Aries Supremo, founder and CEO of Chizmis.
Sinabi rin niya na ang tatlong pangunahing layunin ng app ay connection, content at commerce. Very safe raw itong gamitin dahil sa ‘alias system’ feature nito which protects users from online harassment.
“Chizmis was created with the user’s privacy and safety in mind. As such, we have several fail-safe devices developed including an alias system that protects your identity while giving you the freedom to express yourself without fear of bullying or negative feedback,” ani Mr. Supremo.
Sinabi rin ni Jossmig na ang ‘alias system’ ang pinaka-favorite niyang feature ng app.
“Kasi dito, mararamdaman natin na walang magdya-judge sa atin, na safe tayo, na kahit ano’ng gawin natin, kahit ano’ng sabihin natin is nawe-welcome tayo,” ani Jossmig.
At para naman sa mahilig sa online shopping, mayroon din nito ang Chizmis kaya hindi mo na kailangang umalis pa ng app kung may gusto kang bilhing produkto. Madali rin daw para sa mga sellers na magbenta ng kanilang product dito dahil sa systematized and organized order management and payment modules.
Chizmis is available for download via Google Play and the App Store.
Comentários