ni Lolet Abania | December 18, 2020
Itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Cardinal Jose Advincula ng Capiz bilang miyembro ng Congregation for the Clergy, ayon sa Holy See Press Office.
Hinirang din ng Santo Papa si Cardinal Cornelius Sim, ang titular bishop ng Putia sa Numidia at vicar apostolic ng Brunei sa parehong posisyon, kung saan sila ang may pananagutan sa pagbuo, ministeryo at buhay ng mga pari.
Ang Congregation for the Clergy na naka-base sa Vatican City ay kasalukuyang pinamumunuan ni Cardinal Benjamin Stella. Kabilang si Fr. Advincula sa siyam na mga cardinal na binigyan ng takda at mga gawain ni Pope Francis ngayong linggo sa iba’t ibang dicasteries na nasa Roman Curia.
Isang dating seminary formator, si Fr. Advincula ay na-appoint nang bishop ng San Carlos sa Negros Occidental noong 2001 at nailipat sa Capiz bilang archbishop makalipas ang sampung taon.
Comments