top of page
Search
BULGAR

Araw-araw, simula July 12.. 9-oras walang tubig

ni BRT @News | July 8, 2023




Pinaghahanda ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga pinagsisilbihan ng Maynilad dahil sa posibleng siyam na oras na service interruption sa mga darating na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.


Sa text message nitong Biyernes, sinabi ni Patrick James Dizon, pinuno ng MWSS Angat/Ipo Operations Management Division, na inaasahan na aabot sa minimum operating level na 180 meters ang antas ng tubig sa dam sa Sabado.


“For Maynilad, expected interruption will be on Wednesday (July 12), the earliest, but if there are rains, the start of interruption could be by Friday (July 14),” ani Dizon.


Ayon pa kay Dizon, nasa 591,000 na kabahayan ang maaapektuhan na mas kaunti kumpara sa 1.5 milyong kabahayan na naapektuhan noong Abril 2023.


“The number of hours of interruption - 7 p.m. to 4 a.m. (siyam na oras)… that is lesser than the 14 to 16 hours interruption in April 2023,” dagdag ng opisyal ng MWSS.


Ipapaalam umano ang mga maaapektuhang lugar sa Hulyo 10, Lunes, sa pamamagitan ng social media accounts ng Maynilad.


Inihayag naman ni Dizon na hindi maaapektuhan ng bawas-alokasyon ng tubig ang Manila Water.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page