top of page
Search
  • BULGAR

Araw-araw daw nagpapa-derma… HEART, NAPIKON NA KAYA LANG MAGANDA DAHIL WALANG ANAK

ni Nitz Miralles @Bida | May 18, 2024



Photo
File photo: Heart Evangelista / IG

Napikon si Heart Evangelista sa nag-comment sa TikTok na kaya lang siya maganda ay dahil wala siyang anak. 


Sumagot si Heart ng “Napipikon ako sa 'yo.” 


Dahil hindi real account ang ginamit ng basher sa pang-iinis kay Heart, hindi siya nasagot nang maayos ng aktres.


“Please comment in your real account so I can address you properly,” sagot ni Heart. 


Ipinahanap niya kung sinuman ang taklesang basher na nagpainit sa ulo niya.


Dapat daw, mas matindi pa ang kanyang isinagot.


May binanggit pa si Heart na “I live a very grateful and peaceful life and that makes a lot of difference and every day ako nagpapa-derma kaya ako maganda.”


May nagpayo naman kay Heart na hindi na niya dapat pinapatulan ang mga ganitong comments na alam naman niyang basher. Hindi lang masisisi si Heart dahil sumosobra na ang iba, gaya nito.


Anyway, sa July pa ang GMA Gala at ngayon pa lang, may mga nag-aabang na kung ano ang isusuot ni Heart lalo na’t sinabi nitong five months ginawa ang kanyang gown na gawa ng isang sikat na designer sa Paris. Kaya hintayin natin ang muli niyang pangangabog.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page